Kinasal kami noong June 22, 2012 10 years na kaming mag asawa. Nag start kami na walang wala talaga studyante pa sya non. Pero, before kami kinasal nag usap kami na kailan man hindi namin pag aawayan ang pera at hindi kami mag sisigawan kong may hindi pagkakaintindihan kailangan pag usapan nang mahinahon at iwasan na mag blame sa isat- isa. At yang mga pangako nayan tinupad namin pareho. Hindi ako sinigawan nang asawa ko kailan man at ako din sa kanya. Maraming pagsubok dumating sa buhay namin pero nagtutulongan kami na ma overcome namin yon. Merong mga hindi pagkakaintindihan pero pinag uusapan namin nang mahinahon para malutas kong ano man ang problema. Hanggang nagka anak kami at sinasabi namin sa mga anak namin na dapat magmahalan silang dalawa at hindi mag away. Gusto ko lang e share sa inyo na pwede palang maging peaceful ang buhay mag asawa lalo nat may commitment tayo sa isat- isa na aalagaan natin ang relasyon na meron tayo. Mahalaga na sa pamilya nauuna ang pagmamahal natin sa Diyos at yon ang mag bless sa atin na maging matiwasay ang pamumuhay kasama ang pamilya na may pagmamahal sa isat- Isa.
4 comments
Thank you for sharing. Maka inspire. Hehe
Ayee.. kamo man pud ni chuchie the best couple.
Aheem, nandon ako sa kaganapan haha
Hahah! Witness gyud Ka chuch.