read.cash Log in
@Rejen

Kanina habang papunta kami sa airport para sunduin ang kapatid nang asawa ko naalala ko na nawala ang cellphone ko. Ang naalala ko lang talaga nilagay ko sya sa bulsa ko. Pero, pag dukot ko sa bulsa ko walang laman ang bulsa ko. Hindi ako mapakali kasi maraming info ang nasa cellphone ko. Tumawag ako sa pamangkin ko na naiwan sa bahay pinahanap ko sa kanya pero, hindi nya talaga mahanap at ang masaklap pa naka silent ang cellphone ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay paano na.. Hindi ako maka post sa noise kasi doon sa cellphone nayon naka install ang noise. app ko. Natagalan kami sa pag uwi kasi heavy ang traffic at may pinuntahan pa kapatid nang asawa ko. Kaya mahaba habang kaba ang naramdaman ko. Sabi ko sa asawa ko na Dad.. Ang cellphone ko.. ang sagot nya "makikita natin yon mommy hwag kang mag alala. Pero, ang mga anak ko tinutukso nila ako sabi nila na "nawawala na talaga yon mommy" Mas grabe ang kaba ko dahil sa sinabi nila hanggang sabi nang panganay kong anak na "mommy pray tayo na makikita natin ulit ang cellphone mo." Nag pray sya para makita namin ang cellphone. Pagkarating namin sa parking area hinananap nang asawa ko at yon.. Nakita na nya cellphone ko. Ang saya ko na sa wakas nakita nang asawa ko ang cellphone na bigay nya sa akin noong birthday ko last year kaya hindi pwedeng mawala. Nagpapatotoo talaga ako na ang panalangin ay isa sa paraan kong saan makakausap natin ang ating Ama sa Langit at alam ko na ang prayer natin sinasagot talaga nang Panginoon. Nagpasalamat ako sa anak ko nang dahil sa prayer nya nakita nang daddy nya ang cellphone. Kaya nakapag post ako ngayon.

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.