Sabaw na mainit

0 18
Avatar for Raqz
Written by
4 years ago

Nilalamig ka din ba? Ako isang lingo nako nilalamig. Bigla kasi nag iba ang panahon. Buti nlang naisipan namin ng boyfriend ko na gumawa ng macaroni soup kahapon. Tamang-tama meron kaming macaroni dito. At kahapon din naggrocery kami at ako konting giniling at carrots.

Nung napagdesisyunan na namin na magluluto nga kami ng soup ang dami pa din palang kulang. So eto na, dahil maliit kaserola namin, ginamit ko rice cooker para magluto. Bumili boyfriend ko ng bell pepper kasi gusto niya lahat may bell pepper. Haha!

So naghiwa nako ng bawang, sibuyas, kamatis, bell pepper, nilagyan din namin ng celery, madaming celery kahit masustansiya at masaray ang celery sa mga sabaw. Then hiniwaan ko ng carrots ng maninipis na strips tapos nilagyan ko din ng onion chives, dahon ng sibuyas yata un. Tapos hiniwa ko na hotdog, chicken at kumuha ako ng konting giniling sa ref. Eto na, nilagay ko na ung saingan ko ng kanin sa kalan, pinainit at naglagay ng konting mantika. Ginisa ko na bawang, sibuyas, kamatis at bell pepper. Nung medyo ok na nilagay ko ung chicken, hotdog at giniling at inasinan ko. Hinalo halo then tinakpan ko. Ang sarap ng amoy niya. Niluto ko ng husto ung mga giniling at manok. Hinalo ko na ung kalahati ng celery. Pagkatapos hinalo ko ulit at nilagyan ko ng isang litro ng tubig at pinakuluan ko ng mabuti. Ung para ka gumagawa ng chicken at pork stocks. Ngayon nagtunaw ako ng knorr beef cubes kasi un ang available. Then hinalo ko sa pinapakuluan ko. Para di madurog mga hotdog, inalis ko siya at itinabi ko muna sa isang platito. Pinakuluan ko mga 20 to 30 minutes ng lumasa ng husto mga at saka ako nagdagdag ng mga 500ml na tubig pa at dito ko na nilagay ung macaroni. Niluto at pinakuluan ko ng 10 to 15 minutes at dinagdag ko na evaporated milk, isang malaking lata. Nilagyan ko ng asin ,paminta, nilagay ko na ung natitirang celery pa at naghiwa ako ulit ng isa pang haba ng celery at ganon din ng dahon ng sibuyas. Ibinalik ko na din ang hotdog at pinakuluan ko ng 5 to 7 minutes hanggang maging al dente ang pasta. Then tinikman ko... Nako! Napabangon boyfriend ko, kakain na daw siya. So pinatay ko na kalan.

Yun, nagkuha siya ng tatlong mangkok at binigyan din mama niya at dalawang kapatid. Saka kami kumain. Promise! Ang sarap niya, solve na solve ka. Kagabi ang aga ko natulog sa sobrang busog. Sabi ng boyfriend ko pwede na ako mag asawa ulit. Tumawa nalang ako. Try niyo din pagsama samahin ang mga ingredients na to, promise di kau magsisisi sa lasa.

3
$ 0.00
Avatar for Raqz
Written by
4 years ago

Comments