Join 91,773 users already on read.cash

Country Girl..

2 12
Avatar for RaineEarl
Written by   5
7 months ago

Sa isang malayong barrio sa bicol region isinilang at lumaki si Reign Delos Angeles.Doon na din sya nag aral ng elementary hanggang high school.Mahirap lang ang buhay sa probinsya kaya pag may gusto ka kailangan mu munang pag hirapan ng maiigi para mabili mu ito.

Pangalawa si Reign sa sampung magkakapatid.Magsasaka ang kanilang mga magulang kaya sobrang hirap talaga ng kanilang buhay.Mga bata pa lamang ay marunong na sila sa gawaing bahay dahil sila na ng kanyang ate ang magkatulong sa lahat ng gawaing bahay.Tuwing Sabado magkatulong sila ng ate nya sa pag lalaba ng kanilang mga maruruming damit.Toka din sila sa paghuhugas ng mga pinggan pati na sa pag luluto ng kanilang pag kain.Lahat ng gawain na yan ay sila n ang gumagawa simula grade 4 pa lang sila hangga makatapos ng high school.

BUHAY STUDYANTE..

Simpleng mag-aaral lang naman si Reign.Hindi sya yung tipong matalinong matalino pero hindi din nmn sya bobo.Katunayan lagi din sya pasok sa top 5 sa kanilang klase noong sya ay nasa Elementarya pa lang.Pumapasok si Reign sa paaralan na piso lang ang baon,minsan nga wala pa.Hindi din madalas mag uniform si Raine sa pag pasok kasi wala naman kasi siya puting blusa,kaya naman kahit anong malinis na damit na lang ang ipinapareha nya sa kanilang blue na palda.Ok lang din naman sa school nila kahit hindi naka uniform at sapatos na pumasok.Wala din naman kasi pambili ng sapatos ang halos lahat ng mag-aaral sa kanilang probinsya.

Si Reign ay kabilang sa mga batang walang pambili ng bagong uniform at sapatos na pampasok sa school,hindi din ito kayang ibili ng kanyang mga magulang dahil sapat lang naman ang kinikita ng mga ito para sa kanilang pang araw-araw.Kaya para makabili ng sapatos nakikipagtrabaho si Raine sa palayan ng kanilang lola,Nagtatanggal siya ng damo buong mag hapon para makaipon.

Pagtuntong naman ng high school,lumuluwas sya ng Cavite kada summer vacation para mag alaga ng anak ng tita nya.Kapalit nito ay mga gamit nya sa school sa susunod na pasukan.Ganun ang ginagawa nya hanggang sya ay makapagtapos ng high school.

Trabaho..

Pagkatapos ng high school may kumuha naman sa kanya na ka barrio nya para mag alaga ng anak nito.Noong panahon na yun ay 1,500 pa lang ang sahod nya.Sumunod din sa kanya ang ate nya.Pinasok din kasi ito ng amo nya sa trabaho nito.

Kalahating taon lang ang itinagal ni Reign sa bahay ng kanilang ka babarrio,sumama kasi sya sa paglipat ng bahay ng kanyang ate para may kasama ito sa lilipatang bahay kailangan kasi nito ng makakasama.Pero dahil hindi pa makapag trabaho ang kanyang ate kailangan nyang mag hanap ng trabaho para may pangkain sila araw-araw.Kahit anong trabaho pinasok na nya may maiabot lng syang tulong sa kanyang ate.

Habang nagtatrabaho si Reign may nakakita sa kanyang isang babae na nagpapa alis daw ng mga gustong mag Japan.Noong panahon kasi na yun petit ang katawan at maganda ang tindig ni Reign kahit sya ay 5'1 lang ang height nya.Kinausap sya nito at inalok kung gusto nya daw ba mag Japan.Dahil isa din yun sa pangarap ni Reign ei agad syang pumayag kahit kakakilala nya pa lang doon sa babae.May ibinigay na address sa kanya ang babae,puntahan nya daw yun kinabukasan mismo at kung may kaibigan pa si Reign ay pwede nya daw itong isama.

Kinabukasan pumunta si Reign sa address na ibinigay sa kanya nung babae,kasama nya ang bestfriend nya noong panahon na yun.Pag dating nila sa bahay ng babae kinausap sila nito ng masinsinan.Pinaikot at tinignan ang mga legs kung walang bakas ng kalikutan noong kabataan ni Reign.Pagkatapos kilatisin na parang paninda ai Reign at Bestfriend nya sinabi sa kanila ng babae na tanggap na daw sila pero kailangan daw nila mag training para pag dating sa Japan alam na nila gagawin nila.

Walang kaalam alam sila Reign na sa isang videoke bar sila isasabak ng training ng babaeng kumuha sa kanila.Laking gulat ni Reign ng dalhin sila doon ng babae kinagabihan.Umayaw agad sya at sinabi na uuwi nlng sya pero sabi sa kanya ng babae magseserve lang naman daw sya ng inumin sa mga umiinom,ganun din daw ang magiging trabaho nya sa Japan pag naka alis na sila.Sa kagustuhan na maka alis at makatulong sa pamilya pikit mata syang nag trabaho sa lugar na yun.

Lumipas ang buong isang buwan,hindi na nagpakita sa kanila ang babaeng nag dala sa kanila sa lugar na yun.Masamang masama ang loob ni Reign dahil sa panloloko sa kanila ng babaeng nag dala sa kanila sa videoke bar.Nag desisyon na syang umalis sa lugar na yun kasama ng kanyang bestfriend.Umuwi na sya sa inuupahang bahay ng kanyang ate,plano nya na maghanap na lng ulit ng ibang trabaho.

Isang araw tinawagan sya ng kanyang bestfriend.Niyaya sya nito na pumasyal sa lugar kung sAn ito nagtatrabaho.Pumasyal naman sya doon para makita kung ok lang ba ang kanyang bestfriend sa pinapasukan nitong bagong work.Doon nya nakilala ang ama ng kanyang panganay na anak.

PANGANAY NA ANAK..

Anak ng may ari ng videokehan na pinapasukan ng kanyang bestfriend ang ama ng panganay na anak ni Reign.Nagkakilala sila noong pumasyal si Reign doon.Hanggang sa pumasok na din si Reign bilang kahera sa videokehan.Mula noon hindi na sila mapaghiwalay ng ama ng panganay nya.Dalawang taon na silang magkasama bago sya nabuntis nito,pero dahil ayaw sa kanya ng mama ng lalaki noong panahon na iyon siya ay umuwi sa bahay ng kanyang ate.5 buwan n ang tiyan nya nung sya ay umuwi sa ate nya.Si Reign kasi yung tipo ng tao na kung ayaw mu sa kanya ei mas lalong ayaw nya sayo.Pero dumating sa punto na humingi pa din sya ng tulong sa parents ng lalaki hanggang sa makapanganak sya.

Bumalik sya ulit sa bahay ng mga ito para doon manganak.Hanggang sa naging ok ulit sila ng ama ng pinagbubuntis nya.Habang nasa manila ito sya naman nasa bahay ng mga magulang nito naka tira.Pagkapanganak ni Reign nag plano na sila magpakasal.Nilakad na nila lahat ng kailangan para sa kanilang kasal ang kaso hindi ito natuloy.

Isang taon ang mabilis na lumipas nagkahiwalay pa din silang magpartner sa maraming kadahilan.Umuwi sa kanilang probinsya si Reign kasama ng kanyang anak.Dalawang taon lang noon ang panganay nya.Iniwan nya ito sa magulang nya pagkatapos lumuwas ulit sya para mag trabaho para sa mga pangangailangan nila araw-araw.

Mabilis na lumipas ang limang taon.Nasa probinsya ulit si Reign para mag bakasyon at makasama ang kanyang anak at pamilya.Habang nagpapahinga sila ng kanyang anak may bigla na lang tumawag sa cellphone number na gamit ni Reign.Pag sagot sagot nya nagulat sya dahil ang tumawag e ang ama ng anak nya,nangungumusta ito at sinabi na may trabaho na ito at nasa Saudi pa.Yun kasi ang dahilan kaya iniwan nya ito kasama ng anak nila.Ayaw mag trabaho kahit anong gawin nya ayaw talaga nito mag banat ng buto.Kaya laking gulat nya ng marinig na nasa abroad na pala ito.

Kumontak daw sya kasi gusto nya magbigay ng suporta sa anak nya.Noong una ayaw nya itong tanggapin kasi para sa kanya kaya nya naman ng ibigay lahat ng pangangailangan ng anak nya.Pero sinabihan sya ng mga kaibigan at kakilala nya na tanggapin nya kasi d naman daw un para sa kanya kundi para sa anak nya.Pilit din itong nakikipagbalikan sa kanya para daw mabuo sila ulit.Pero ng bigyan nya ito ulit ng pagkakataon doon nya naman nalaman na may babae ito sa ibang bansa.Dahil dito kinausap nya na lang ulit ito na ang anak na lang nila ang isipin at asikasuhin.

Sa ngayon nasa bahay ng lola sa side ng ama ang kanyang panganay.Doon din kasi ito nag aaral.Nandun din ang ama nito kasama ang sarili nitong pamilya.

BUHAY SA KASALUKUYAN..

Sa ngayon may sarili na ding pamilya si Reign.Mayron na din syang dalawang anak isang babae at isang lalaki pa ang sumunod sa kanyang panganay.Simple lang din ang buhay nila ngayon at kontento si Reign dun basta lagi lang malusog at masaya ang kanyang buong pamilya...

Maraming Salamat po sa pagbibigay oras para magbasa..

7
$ 0.00
Avatar for RaineEarl
Written by   5
7 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ooh I will love if it was written in English language, hehe because I can only understand English. By the way your post seems attractive, and it has some thing that we must know about. I hope I can understand this better with the passage of time and also by reading your posts regularly hehe.

$ 0.00
7 months ago

Which is this language I can't understand???

$ 0.00
7 months ago