Laging sorry nalang ba?

2 38
Avatar for Rainbow
4 years ago

Ang mag asawang Rodel at Tina ay masayang namumuhay. Kasamang ng kanilang tatlong anak. Nakapagpatayo sila ng sariling bahay at malaki laking tindahan. Nakabili din sila ng isang sasakyan. Maganda ang trabaho ni Rodel at malaki ang kinikita nito kaya madali silang nakapag ipon. Nakakapag aral ang tatlong anak nila sa mataas na paaralan. Masaya si Tina sa buhay may asawa. Dahil para sa kanya perpekto na ito at wala ng magiging problema. Minsan sinubok sila ng malaking suliranin ng magkaroon ng mga barkada ang kanyang asawa.

Nalulong ito sa masamang bisyo. Alak,sigarilyo,at droga mula noon nag iba ang pag uugali ni Rodel ang dating mabuting asawa at mapagmahal na ama ay nag iba.

Lagi itong umuuwi ng bahay nila na lango sa alak at pinagbabawal na gamot, nagtatalo lagi ang mag asawa at humahantong pa sa pananakit ni Rodel sa asawa at ang mga pangyayaring ito ay nasasaksihan ng kanilang mga anak. Halos araw araw itong nagaganap at paulit ulit na umihingi ng sorry si Rodel sa asawa.

Lumipas ang mga araw. Lalong naging malala si Rodel ninakawan lagi nya ang kanilang tindahan. At humantong sa pagkalugi nito. Naapektuhan ang pag aaral ng kanilang mga anak dahil sa pangyayaring iyon. Naubos ang mga ipon nila. Naipagbili ang sasakyan at nasangla ang kanilang bahay dahil sa bisyo in Rodel. Naghirap ang pamilya in tina at halos wala na silang makain sa araw araw. Nagdurusa ang kalooban in tina dahil di nya magawang iwanan ang asawa nito. Sa laki ng pagmamahal sa asawa naging bulag bulagan nalang ito sa mga pangyayari.

Tunay na walang dalang maganda ang bisyo sa buhay ng tao. Nasasadlak sa kahirapan, paghihirap ng kalooban, pagkawatak watak, pagkasira ng buhay at iba pa. Sa buhay ng dalawang karakter na ito an paghingi ng sorry ay hindi sapat dahil ito ay nauulit lamang. At wala sa puso ang tunay na pag hingi ng kapatawaran.

6
$ 0.00

Comments

Haay! Ganyan kapag walang totoong pagsisisi ang tao sa mga nagagawang kamalian, kaya tendency paulit-ulit lang.. tama po kau, wala talagang mabuting nadudulot ang bisyo kung hindi kapabayaan sa maraming bagay. 😔

$ 0.00
4 years ago

Ang tunay na pag mamahal ay walang katapusan at walang pag kasawa nag kasala man ay dapat pa rin talaga patawarin ang ating mga minamahal bagkus na iwanan ay dapat ipakita sa kanila ang ating katatagan para maging inspirasyon tayo sa kanila na lahat kakayanin natin para mag bago sila at ang lahat ng pag papatawad sa huli ay magiging pasalamat na gaya ng pag ibig ng ating panginoon sa atin na sa kabila ng ating mga kasalanan ay ibinuwis niya ang kaniyang buhay para tubusin ang ating mga kasalanan.

$ 0.00
4 years ago