Ito na ata ang pinakaaasam ng isang babae. Ang humarap sa dambana kasama ng kanyang mahal. Naalala ko pa ng mag proposed ng kasal ang aking kasintahan at asawa ko na ngayon. Parang nakalutang ako sa hangin na di ko mawari siguro dahil sa sobrang kaligayahan na aking nadarama. Dahil natupad ang pangarangap ko na maikasal sa lalaking aking minamahal. Sa pagpaplano ng kasal ay di madali lalo na kung gusto mo itong medyo magarbo. Nasasabik kami sa pagplano, kagaya ng pagkuha ng mga ninang at ninong. Mga abay lugar na pagdadausan ng kasal at sa kainan. Naging hands on kami sa lahat. Sa pagkuha ng vidio at camera at sa lahat lahat.Dumating ang araw na pinakahihintay at ng maglalakad na ako. Para akong prinsesa sa himahinasyon ko lang.
Napakaligaya namin at naging maayos ang lahat sa pagdaos ng aming kasal. At ngayon maligaya kaming namumuhay kasama ng aming tatlong anak.