Good aftie noisers.. After mag eat ng lunch ay eto naman ang eksena naming mag-iina sa garahe.. 😂 cake, muncher at soft drinks? Para saken ay naligaw ang cake. Sanay kasi ako na ang partner ng cake ay kape. 😁 Pati naman ang bunso ay nakikikain din ng cake.. Ang nakakatuwa don ay sa isang bote ng mountain dew at magkakahati na kaming mag-iina dahil di talaga kami masyado umiinom ng softdrinks, konti konting lagok ay okay na.. Si kuya naman pagkaubos ng softdrinks at naisip nya ito laruin.. yung ihahagis mo at dapat ay mapatayo nya ang bote. (Di ko alam kung anong tawag sa game na iyon) Pero 1st try palang ay napatayo na agad ni kuya kaya tuwang tuwa. 😂 After nito ay try ko na silang patulugin ng makapagpahinga nadin ako. 😁 Hagardo na ang lola nyo.
1 comment
Ang galing ni kuya ah. Same tayo sis di ko din alam tawag sa game na yan haha.