read.cash Log in

@Ra42no

Joined 28 June 2020 · 992 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

R@Ra42no

Eto yung pinakaayoko sa lahat ng pangyayari sa buhay namin.. yung magkakasakit ang mga bata.. Si bunso ngaung maghapon ay nag okay na, si ate kagabi at kanina ang init pa talaga.. tapos ngaun lang ang kuya naman, buti nalang ay kiniss ko cia habang natutulog na kaya nalaman kong ang init nadin pla nya.. Si bunso sa loob ng 1 year and 3months nya ay 1st time nya nilagnat pero halos 2 days lng naman nag okay nadin (sana tuloy tuloy na) ang ate at kuya madalang din magkasakit kaso nagkakahawaan din talaga minsan.. mag okay na sana cla kasi ako ilang days nadin hindi maganda pakiramdam pero halos walang tulog at pahinga..

R@Ra42no

Thank you sa lahat na good memories uncle.. Nailibing na ang uncle ni hubby.. mamimiss namin talaga cia.. ako na hindi naman nya kadugo pero sobrang nalungkot at iyak din dahil di makapaniwala.. sa age nyang mag 52 napakabata at ang lakas nya pa.. or baka hindi lang cia maindahin talaga.. dahil bukod sa hirap mag construction ay high blood pa cia kaya imposible na wala ciang iniinda sa katawan.. 😔 nakakalungkot dahil mabuti talaga cia kahit kanino.. nakita ko din yun sa mga kapit bahay lang nila ultimo mga bata, kabataan at katandaan ay iyakan talaga.. 😔 we will miss him..

R@Ra42no

From 65 to 59? Ako mismo nagulat dahil di ko akalain na kahit walang diet puede pala bumaba ang timbang ko? 😁 Grabe padin naman lakas ko kumain dahil nga lage ko gutom di ko alam kung dahil ba yun sa breastfeeding padin ako kay baby? Kaya di ko akalain na kusa bababa ang timbang ko..pero napansin nadin ni hubby na parang napayat na daw ako at lumiliit din ang mukha ko.. Siguro dahil nadin sa sobrang pagod padin sa araw araw sa mga bata at bahay..😑

R@Ra42no

Ube turon or turon ube? Di ko alam kung ano talaga ang dapat itawag dito, peroang ipinangalan ng nagtitinda ay ube turon.. haha. Meron ciang malagkit na ube flavor sa loob tapos ayan nga binalot ng wrapper at nilagyan d8n ng ube condense. Nagustuhan ko cia at ng panganay ko, pero yung isa kong anak ayaw. 😁

R@Ra42no

Hello noise fam . Ask ko lang, okay lang ba na magpost tayo dito ng mga links kunyare ng mga items from online shops? Di kaya magagalit si papa noise? Hehe.. Promoting kasi ng products un. Okay lang po kaya? Baka kasi makarami ng benta dito yung shop eh. Hehe.. thanks po sa mga sasagot.. Good night and Godbless

R@Ra42no

Rainy night.. Ang lamig ng panahon, naisipan mag aya ng cousin ni hubby at ng kanyang wife na magpares kami.. simpleng bonding dahil madalang lang sila nandito.. dahil pagkalibing ng tito ni hubby na nasa muntinlupa ay babalik na cla ulit sa pangasinan.. sumaglit sila umuwi muna dito sa Laguna para makapagpahinga man lang ng konti dahil puyat sa burol ni uncle doon sa muntinlupa.. Happy dinner..

R@Ra42no

My father's 76th birthday.. Birthday nya kahapon pero di namin napuntahan kaya videocall nalang muna.. wala kasi pang extrang pera para pumunta doon.. minsan ay mas okay na ipadala nalang din yung pera panggamot nya.. saka nalang dadalaw pag may extra..

R@Ra42no

Happy kiddos.. Mga batang dirty ice cream lang ay masaya na.. masarap din daw kasi at nabubusog sila, siguro dahil sa cone din.. haha. Binilihan ko nadin ang bunso kahit maliit lang, ayan at super naeenjoy din naman nya.. batang bata nadin talaga.. nakikigulo at sali na sa lahat ng bagay.. hehe..

R@Ra42no

Proud sister here.. Dahil sa kahirapan sa buhay kaya madalas di nakakapagtapos ng pag aaral. Kahit ako ganon din at ang kuya ko na ngaun naman ay nakapagtapos dahil sa pinag aral lang cia sa work na pinapasukan nya.. kahit mahirap na nagtatrabaho at nag aaral ay nagtyaga nalang din cia para sa diploma na pinangarap nya . Naisip ko tuloy na kung di ako nakapag resign sa work ko noong 2019, nabanggit na saken non ng manager ko na kasali na ko sa line up ng pag aaralin ng company.. pero ayun nga need ko magresign para sa anak ko.. nakakahinayang pero ganon talaga.. 😁

R@Ra42no

Our favorite.. Breakfast to lunch . Haha.. late na nagkape at tinapay kanina.. kaya eto ngaun ang food namin maglulunch nadin.. wala na ko maisip na ulam kaya eto nalang, sure na masarap pa at less effort.. hehe.. Kain na po

R@Ra42no

Batang malikot.. Padami at iba iba na ang kalikutan na pinapakita ng bunso namin.. 😁 sa mga set at nakakaakyat ng mag isa, sa hagdanan ay inaabutan ko nadin sa ikatlong baitang, ngaun naman ay itong crib na ang inaakyat nya. 😂 Bala isang araw nasa dining table na ang batang to, yung parang pusa lang na nangangalkal ng pagkain.. haha.. di malayong magawa dahil matakaw din to, baka pag nakakita ng gustong pagkain ay gumawa ng paraang para makaakyat..

R@Ra42no

Happy kid.. May batang naiinip sa loob ng bahay, nagbubugnot at gusto lage nasa lapag.. napapagod na ko kakasunod at habol eh.. kaya kahit maulan ay pinaglaro ko muna dito.. lalo na ciang nag enjoy dahil pinapanood nya yung pagbuhos ng ulan.. 😂

R@Ra42no

7 years ago.. Parang kelan lang talaga, cia lang ang focus namin noon (my eldest).. cia pa lang ang kinagigiliwan namin non ni daddy nya. Halos every payday ata di puedeng walang mabibili para sa kanya except sa diaper at milk.. sobrang luho ba talaga pag 1st baby? Haha. Or sadyang nakakaluwag pa non dahil cia palang yung ginagastusan at dalawa kaming may work ni hubby.. Sa ngaun kasi kay bunso more on bigay ng mga kakilala.. halos iilan lang ang bili namin talaga para sa kanya.. at higit sa lahat tipid pa sa milk dahil kahit 1 yr na cia ay breastfeed padin.. haha.. super tipid na talaga dito kay bunso.. pero soon ay mkakabawi din kami,. Hehe

R@Ra42no

Mid year Thanks giving.. Also mag 108th anniversary nadin ang pagkakatatag ng INC on july 27.. ang aga namin ni hubby kanina kasi kahit sunday may pasok cia.. gising na ng 4:30am.tulog na tulog pa si bunso ng umalis kami, tapos pag uwi ay kagigising lang din nya kaya di nya na masyadong naramdaman na umalis ako pero ikot na daw ang mata at gusto na mag iiyak kaya nilabas muna para lang malibang..nung makita nya ko bigla nalang napangiti.. cute cute ng batang makulit.. 😍

R@Ra42no

Midnight snack.. Wait ko pa si hubby umuwi dahil birthday ng isang kumpare namin.. para hindi muna ko makatulog sososlohin ko muna itong fries dahil tulog nadin ang mga bata.. haha.. minsan lang makakain ng walang kasalo, kaya lang magagalit saken yumg mga bulas pagnalaman nila kaya nagtira nalang din ako ng pang luto ko para sa kanila bukas. 😁

R@Ra42no

Ice cream on rainy afternoon.. Kanina sabi ng mga bata bubuksan na daw nila ang ice cream.. ayaw ko pa sana kasi maulan nga panahon..konti lang daw, cge sabi ko.. tapos pagsilip ko sa ice cream eto na cia.. 😁 konti nga lang daw.

R@Ra42no

Please allow me to post this, just helping a friend.. They need prayers and any amount for her mother's operation. Sa ganitong paraan man lang po ay makatulong ako sa kanila.. sana lang po may makapansin.. nasa baba po ang link.. thank you https://gofund.me/8dfa2649

R@Ra42no

Early in the morning.. Ibenta ko na kaya tong crib ng bunso.. ayaw nya na maglaro sa loob lage ng umiiyak talaga.. gusto nya lage sa sahig na palakad lakad, minsan nasa pangalawang baitang na ng hagdanan.. haha.. ngaun eto kung saan saan na naman sumusuot oh, nalingat lang ako saglit kala ko asaan na. 😂

R@Ra42no

Pagsamba ng kabataan.. Dati dalawa lang ang sinasama naming bata dito, ang panganay sa magpipinsan na ayaw ng sumama sa picture dahil mag teteenager na, at ang aking panganay.. ngaun 5 na sila lahat.. haha.. kasama nadin sa picture ang aking bunso na pagkalikot.. #thanksgiving

R@Ra42no

Original and spicy flavor ng Gourmet Tuyo at tinapa.. Ang sarap talaga pero ang hirap nya bilhin dahil ang pricey nya . 😔 Kahit na sobrang gusto mo ay ang hirap nyan bilihin para sa katulad kong kuripot. 170 ba naman tapos 250g lang cia, yung tipon kaya kong ubusin sa isang harapan lang.. ang sarap ulit ulitin pero presyong ang hirap ilabas. Haha.

R@Ra42no

Anong masarap na partner? Cyempre para saken ay kopiko black.. 😁 naggawa si mother inlaw ng biko, tamang tama wala ko makita na maimerienda,. Perfect na ito, titimpla nalang ako ng kape.. mas bagay pa sa panahon na paulan na naman. 😑

R@Ra42no

Sunday night.. Ang tagal ng di nkalabas. Naisipan mag get together ulit ng mga pare at mare namin.. libre lang to sa resto bar nila.. haha.. busog na naman at enjoy habang takas saking mga junakis.. Di naman siguro masama na paminsan minsan at makapag chill lang minsan.. 😁 #happy sunday

R@Ra42no

From picture #1 to picture # 2.. Sa loob ng isang taon ay siguro nakakatatlong beses ako nagpapalit ng tempered glass ng phone ko, dahil sa lage nga nababagsak lalo pa pag mga bata ang nakaka hawak.. nung mga nakaraang buwan si hubby nagpalit din pero matte ceramic na yung pinalit nya, hindi na babasagin.. Naisip ko na palitan nalang din yung saken dahil may mga basag nadin cia, (nag worst lang sa pic dahil natanggal ko na cia) gusto kong magpalit pero nanghihinayang ako sa price na 100 to 150, tapos yung case ko kasi super luma nadin.. ang price naman 200 pataas . Naisipan ko maghanap nalang sa shopee, eto at 12 pesos lng yung matte na screen protector nga, tapos 45 lang case ko na worth 100 up cguro sa iba. 😂 Tipid na tipid na naman ako, at sulit na naman to para saken.

R@Ra42no

Blessing. Ang bait din ng customer nila hubby na bumili ng motor sa kanila pero taga dito lang din yun sa amin.. meron na kasing plate yung kinuha nyang motor, etong si hubby hinatid nalang nya sa bahay nila yung plate.. may pa konswelo naman sila kay hubby dahil diniliver pa daw sa bahay nila. 😂 Favorite ko pa naman itong tinda nilang fried isaw kaya ipinaubaya na saken ni hubby to, mainit at malutong pa 😁 Kain po. #midnightsnack

R@Ra42no

Mag 4pm na sarap parin tulog ng bunso namin.. Nkailang ikot na yan sa pwesto nya pero tulog padin talaga cia.. gusto ko ng tumayo at mag merienda dahil gutom na ko, sure lang na gigising kasi cia pagtayo ko 😁 akala ko din maggagabi na, sobrang dilim na ng langit. Maya maya nito ay uulan na naman 😔

R@Ra42no

Done dinner at eto yung inulam namin..Yung ilang piraso lang ito pero worth 200 na.. Mahal pakinggan pero sulit din naman sa lasa, ang tipid din kasi ulamin ng mga ganitong inihaw.. 25 pesos each ang barbeque and 100 pesos ang inihaw na pusit. Ang happy na naman ng aming tummy. Thank You Lord.

R@Ra42no

Dinner with love.. 😂 Namiss na naman namin ang beef nilaga, lalo na ang mga bata ay eto talaga ang favorite nila na may sabaw. Iba kasi tlaga ang sarap, kahit nga sabaw at gulay lang ay okay na. Tapos busog din sa pag higop ng sabaw. Kain po tayo.. happy dinner

R@Ra42no

Dinner time . Bumili lang si hubby ng isang liempo, tapos pinaghati mya at pinagawa nyang sisig yung half.. ayaw lasi ng mga bata ang sisig kaya sa kanila yung liempo lang.. parang ang konti tignan pero matipid kasi to ulamin lalo pa malasa kasi talaga.. kain na po tayo.. Happy eating.. 😁

R@Ra42no

Lunch time. Di man friday ngaun ay monggo ang ulam namin.. di ko alam bakit nakasanayan sa province namin dati na pag friday ang pagluluto ng monggo. 😁 Ganon din po ba sa lugar nyo? Sarap na naman ng kain nito, lalo pa at may tuyo.

R@Ra42no

Morning kiss.. Ang sarap naman bumangon pag ganito.. nasasanay na ang aking baby na pagmulat na ng mata nya sinasabihan ko agad ng good morning, tapos ay magpapakiss nadin ako.. Ngaun kahit di ako magsalit ay nag smile na agad cia, kikiss na saken or hihiga sa dibdib ko. Alam ko na agad na lalaking malambing din ang bunso tulad ng ate at kuya. ❤️