Happy Reality no. 2 ( Panganay 2)
Part 2: Ang mga sumunod na sandali ay di ko na maipinta ang mukha ko sa sakit. 11pm na pero 6cm palang ako at di pa din ako nanganganak. Napapakapit na ako ng mahigpit sa hawakan ng higaan ko, di ako makasigaw sa sakit dahil bawal daw kasi nakakaubos ng lakas yun. Habang inaantay ang paglabas ng baby ko tinuturuan ako ng midwife kung paano ang tamang pag-ire. 3 beses ako tinurukan ng pampatulog dahil mukhang matagal pa nga at kailangan ko daw magpahinga muna perk imbes makatulog ako ay lalo ako nagigising kaya simula nun nagising ako ng 6am ay di na ako nakatulog. 6:30am na di ko na masabi yung sakit na nararamdaman ko at nun chineck up ako ng midwife nasa 9cm na ako at nakakapa na daw ny ang ulo ng bata kaya agad nyang tinawag ang OB ko. Pagkadating ng OB, nagsimula na syang paanakin ako. Tama naman daw ang pag-ire ko pero mukhang malaki ang bata at sa unang ire ko lumabas na ang ulo pero bumalik ito. Sa pangalawang ire di ko nailabas ang bata at medyo nanghihina na din ako. Sabi ng OB ko na baka iCS nalang nya ako pero sinabi ko sa OB ko na sandali lang at huminga ako nga malalim at inire ko na ng bongga. 7:08am! Sa wakas lumabas na din ang baby boy ko sa bigat na 4kls. Worth it lahat ng hirap ko lumalabas lang sya at nawala talaga ang lahat ng pagod ko lalo na ng nilapag sya ng OB ko sa dibidib. Mahirap maglabor at manganak pero sobrang sarap sa pakiramdam kapag nahawakan mo na sya.
No comments yet