Tula para kay weng at rico

0 27
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Free writing, Poem

Naaalala niyo pa ba ang inyong unang pag ibig? o ang inyong unang heartbreak?

Tunghayan ang tulang aking ginawa para sa dalawang batang nagmahalan sa umpisa ngunit sa huli bumitaw ang isa.

Nakilala ka sa hindi sinasadyang pagkakataon.

Matang hilam ng luha ay hindi ko magawang punasan

dahil sa sakit na aking nararamdaman. dahil sa mga pasa sa aking murang katawan.

May mga tanong na nabuo sa iyong isipan

ngunit hindi mo magawang bitiwan

sapagkat naramdaman mo ang sakit na aking nararamdaman.

Ang pagkakaibigan ay

nabuo sa gulod na tambayan

at nangakong sabay na pagmamasdan

ang pagsikat at paglubog ng araw.

Sa paglipas ng panahon unti-unting nagbago ang pagtitinginan.

ang pagmamahal bilang magkaibigan ay napalitan ng higit pa.

umamin ka sa hindi inaasahan sitwasyon

dahil nasukol ka sa hindi inaasahan pagkakataon.

Sa gulod kong saan ang pangakong binuo ay lagi kang naroon.

Sa umaga at hapon naghihintay ka ng aking pagdating.

upang sabay nating tuparin ang pangakong binitiwan.

Dumating ako ng ikaw ay paalis.

hinawakan ko ang iyong mga kamay at hinila kang pabalik.

Umupo at sabay na tumingin sa araw na papalubog.

sabay sambit sa pangalan mong may pagmamahal at pananabik.

Ang mga araw na hindi ka katabi sa panunuod sa pagsikat at paglubog ng araw

ay para bang hinihiwa ang puso ko ng punyal at tinutusok ng karayom.

sapagkat nakikita ko sa iyong mga mata ang lungkot at pangungulila sa aking pagkawala.

Mahal, hindi ako nakalimot sa ating pangako,

sapagkat pinapanuod ko din ang araw habang ako ay malayo sayo.

Ang mga oras at araw na wala ako sa tabi mo

ay ang paghahandang ginawa ko upang pagtibayin ang loob ko

at ng aking masabi ang pinakatatagong sikreto at katotohanan na mahal kita ng higit pa sa sarili ko.

Masayang pinagsaluhan ang pagmamahalan

Nangakong ikaw lang ang mamahalin maubos man ang aking sampung buhay

dahil ganun kita kamahal.

Ngunit tadhana'y sadyang mapaglaro

tayo'y nagkahiwalay dahil sa pag aaral mo

sa umpisa ay maayos naman tayo

ngunit noong tumagal ay bigla kang nagbago

ang kumonikasyon natin sa pamamagitan ng sulat ay dumalang

yong dating dalawang beses sa isang linggo

naging tatlong beses sa isang buwan.

naging isa hanggang sa nawala na ng tuluyan

dahil sa puro away ang laman ng mga sulat sa isa't isa.

Hanggang sa ikaw ay may nakilala

na siyang nakapagpabago ng tuluyan ng pag ibig mo sa akin sinta.

pag ibig na dati ay akin lamang

ngayon ay nawala dahil nakuha kana niya.

Kaya naman nag decide kang tapusin na relasyon nating dalawa sa pamamagitan ng sulat nakipaghiwalay ka.

Bakit ganun kabilis mo ako naipagpalit sa iba?

Bakit nakalimutan mo ang pangakong binitiwan natin sa isa't isa?

Bakit nakalimutan mo ang binitiwan mong salita

na kong hindi magiging tayo sa huli ay hindi ka magiging masaya?

Sa Paglipas ng mahabang panahon

ay bumalik ka.

upang ayusin ang iyong sarili

dahil sa tingin mo ay ikaw ay hindi kompleto dahil sa pangyayaring nangyari sa buhay mo.

at upang maibigay mo ng buo ang iyong pagkatao sa lalaking naging dahilan ng pagbitaw mo sa pangakong babalik ka sa piling ko.

Sa gulod kong saan una tayong nagkita

ako'y nagaabang sa pagbabalik mo.

dahil sa pangakong binitiwan natin sa isa't isa.

nanatili akong nakaupo sa upuan natin sinta.

Nag atubili kang lumapit sa umpisa

dahil sa pangambang sisisihin kita

sa nangyari sa pag iibigan nating dalawa

at sa sitwasyong kinahantungan ko sa pagtalikod mo sa ating pagsinta.

Dahan-dahan kang lumapit at umupo sa tabi ko.

ikaw ay lumuha habang nakatingin sa hapis kong mukha,

sa buhok kong mahaba at nanggigilagid sa dumi

sa masangsang at mabaho kong amoy,

ikaw ay napahikbi at sa mga mata kita ko ang iyong pagsisisi.

Hinagod ko ang iyong likod at nagsabi..

Bakit ka umiiyak?

Bakit ka nandito?

May hinihintay ka din ba kagaya ko?

Lalong lumakas ang daloy ng iyong luha sa mga sinambit ko saiyo aking sinta dahil sa hindi na kita kilala dahil ang nakaraan lang ang aking tanda.

Ang babaeng nangako lamang ang natatandaan ko sinta na nagsabi na babalik siya at tutuparin namin ang pangako sa isa't isa.

Nakalimutan man kita'y hindi ko nakalimutan ang aking pangako

na hihintayin kita sa pagbabalik mo

at sabay nating panunuorin ang araw sa pagsikat at paglubog nito....

....................................................................

Ang saklap ng kanilang kwento, hanggang ngayon hindi mawaglit sa isip ko kaya nagawan ko ng tula ang pag iibigan nilang hindi natuloy hanggang dulo, sapagkat nakahanap ng iba si weng at namatay si rico.🥺

Hello my dear read cash fam, sorry for not being active here. limited lang po kasi time ko dahil subrang busy na din at dahil na din sa weak connection ko. sensiya na din po at hindi kona nadadalaw mga article niyo. babawi ako kapag okay na lahat. thank you kasi andito pa din ako.

Date Published:7-21-2022
Ph time: 5:35pm
Article:#37
Title: Tula para kay weng at rico
lead emage from unsplash 

2
$ 0.00
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago
Topics: Free writing, Poem

Comments