Sakripisyo ng aking Nanay

0 19
Avatar for Pupucutie
1 year ago

Hello my dear read.cash family. I've been inactive here in a month because of my internet connection. It's good to be back here. Hopefully sana tuloy-tuloy ang aking stay dito basta huwag lang sasakit ulit ang aking ulo.

Gusto ko lang po ipagmalaki ang aking nanay kahit puro palo ang aking natamo sakanya noong ako ay bata pa.hehe


Si nanay,mula ng ako ay kanyang isilang inialay na sakin ang kanyang buhay. laging puyat sa gabi mapatahan lamang ako sa pag iyak.

Nanay, sa tuwing tayo ay nauubusan ng bigas na pangsaing upang tayo ay may makain, aakyat ka ng bundok upang manguha ng kamoteng baging,kamoteng kahoy at iba pa upang may maipantawid sa gutom na nadarama.

Nanay, kami ang iyong prioridad ayaw na ayaw mong kami ay nagkakasakit. Sakripisyo mo ay hindi matatawaran dahil ultimo pagkain na isusubo muna lang ibibigay mo pa, huwag mo lang makita ang mga anak mong nagugutom at nakatunghay sa iba, na hindi maiwasan dahil sa hirap ng buhay na tinatamasa.

Nanay,ang madiskarte mong pag uugali ang siya kong pinaka mimithi kong makuha. kaya naman lahat ng iyong payo ay aking sinunod. Pagtatrabaho sa bukid na nakagisnan ay aking pinahalagahan dahil alam ko na ang lahat ng ito ay may patutunguhan.

Iningatan mo ako buhat ng ako ay isilang mula sa aking pag gapang binigyan mo ako ng tapang na humakbang at iusad ang aking mga paa, sa pagkakadapa hinawi mo ang luha sa aking mata.

Mga sakripisyo mo ay buong puso mong binigay sa kabila ng kaliwa't kanan kong pagpapasaway hindi ka nagsawang umagapay.

Si nanay ang nagturo sakin ng mga pangaral at nagagalit sa tuwing ginagawa kona ang bawal.

Si nanay, na ni minsan hindi ko nakitang napagod, pagod man sa pagkayod pero sa gabi ay humahagod pa din ang kanyang kamay sa ulo at likod upang ang sama ng aking pakiramdam ay maibsan.

Si nanay, ganyan ako protektahan hindi niya kasi makakayang makita akong masaktan. kahit ang salitang buhay ay nakahanda niyang ialay ganyan ko nadama ang pagmamahal ng aking nanay.

Kong may pagkakataon man ako na makabalik at papiliin muli ng aking nanay, gusto ko ang magiging nanay ko ay ikaw muli.

Si nanay, ang nagpakilala sa akin sa diyos. at nagturo ng tama at mali. si nanay ang nagmulat sakin na pahalagahan lahat ng mga bagay bagay sa mundo maliit man o malaki dapat ingatan at alagaan.

Si nanay ang nagturo sakin kong paano mamuhay mag isa at tumayo sa sariling mga paa at maging responsable.

Si nanay ang nagmulat sa mura kong isipan sa mahirap na pamumuhay na siyang naging dahilan upang baunin ko ito sa aking paglaki at maging inspirasyon upang maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay.

Note: I love you po NAY.❣️

Date Published:6-3-2023
PH Time:1:50am
Article:#35
Title: Sakripisyo ng Aking Nanay

2
$ 1.61
$ 1.61 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
1 year ago

Comments