Nagmahal,Nasaktan, Bumangon

0 22
Avatar for Pupucutie
2 years ago
  • Sa pag ibig minsan walang kasiguraduhan kong magiging successful ba ito o mauuwi lamang sa hiwalayan.

  • Sa experience ko lagi akong naiiwang sugatan ang pusong nagmahal ng lubusan.

Nakilala ka sa sitwasyong hindi inaasahan.Nagkamabutihan dahil sa magandang pinagsamahan. Nagsimula sa magandang usapan.Nag-ipon nang magagandang ala-ala.

Ala-alang may kasamang asaran at bangayan. Na dati normal lang naman Dahil minsan sa pagmamahalan kailangan ng anghang. Anghang para tumibay ang samahan.

Samahan na binuo ng mahabang panahon. Panahong pinagsamahan dahil sa pagmamahalan. Ngunit nalamatan dahil sa may sumawsaw na iba sa ating pagmamahalan. Pagmamahalang ating inalagaan at pinagsaluhan.

Ngunit ikaw ay nabulag sakanya aking mahal. At tuluyan mong kinalimutan Na minsan ikaw ay naging masaya sa piling ko sinta.

Mundo ko'y gumunaw bigla sa isang kisap mata iniwan mo ako at pinagpalit sakanya. Kinalimutan mo pangako mo sinta,na ako ay mamahalin hangga't may buhay pa. Pangakong nabali dahil sakanya, dahil ikaw ay naging marupok at nagpatalo sa tukso aking sinta.

Kaya natanong ko sa aking sarili, ano ang nangyari? Akala ko tayo ay iisa. Ako ba ang nag kulang? o ikaw ang hindi lumaban sa ating pagmamahalan?

Ngayon ako ay naiwan ng madaming katanungan na hanggang ngayon ay wala pang malinaw na kasagutan, kung bakit mo ako iniwanan.

Pero dahil sa pagmamahal ko sayo na tunay at wagas. Pinalaya ka at binitawan dahil alam kong wala na din saysay kong akin pang ipaglalaban pagmamahal na inalay. Dahil nakita ko saiyo ang kaligayahan sa napili mong ipalit sakin aking sinta.

Pero bakit hindi mo sinabi ng maaga na ikaw ay may bagong minamahal na. Itinago mo sakin habang tayo ay magkasama. Hindi ko man lang naramdaman ang iyong pagtataksil sinta dahil sa ang galing mong magtago ng iyong nadarama. Marahil ay dahil na din sa pagmamahal ko sayo sinta hindi ko naramdamang niloloko mona pala ako.

Ngayon ikaw ay nasa piling nya at kayo ay masayang magkasama. Ramdam kong wala na talagang pag asa kahit mag makaawa pa sayo aking sinta.

At kaya naman ako'y bumulong sa hangin at sinabing "salamat saiyo aking mahal at iyong ipinaramdam ang pagmamahal na dati ay akin lamang, at kailanman ay hindi mapapantayan ninuman.

Kahit ito'y panandalian lamang dahil sa tayo ay pinaglayo ng kapalaran. Ala-ala nati'y babalikan upang doon ay kumuha ng lakas. Lakas para ikaw ay kalimutan. Para makapagsimula muli ng panibagong pagmamahal.

Pagmamahal na uumpisahan muna sa aking sarili. Upang aking masabi na ikaw na lamang ay isang masaya at malungkot na pangyayari sa buhay ko aking binibini.

Sabi nila mas mahalin mo ang sarili mo para hindi ka masaktan ng subra.

Dahil dyan ako'y na inspired at napakanta sa kanta ni Yeng Constantino na pinamagatang "AKO MUNA" na paulit ulit kong pinapakinggan dahil sa ganda ng lyrics na makakarelate ka. Lyrics na tatagos saiyon puso't isipan,upang ikaw ay mahulmang muli na para bang walang nangyari.

..............................................................................

Salamat sa aking reader's, liker's and upvoter's for always interacting my article. To my sponsor@Kendy42. And to @TheRandomRewarder thank you for your generosity.

Date Published:11-27-2021
Philippines time:12:25pm
Article:#16
Title: Nagmahal,Nasaktan, Bumangon
@Pupucutie 
*Lead image is from unsplash*

2
$ 0.34
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Comments