My Life Being Single

2 21
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Paggising sa umaga agad akong magpapasalamat sakanya☝️ sa panibagong bukas na pinagkaloob nya. Babangon at ililigpit higaan para makapagpakulo ng tubig upang makapagkape na.

Habang nagpapakulo ng tubig. Aasikasohin kona muna ang aking alaga na subrang cute pero pasaway na dahil sa nangiisturbo ng tulog ko sa gabi. Pakakainin at painumin ng vitamin nya para maging healthy at malakas katulad ng daddy nya na minsan gusto ko ng tikman dahil sa sarap na sarap sya na minsan ay humihirit pa ng isa.

Pagkatapos ko sakanya babalikan ko na pinapainit kong tubig kung ito'y kulo na para makapagtimpla na ng kape na may gatas pa at ng mainitan ang sikmura bago maligo sa umaga.

Habang humihigop ng kape ay aayusin kona damit na isusuot pang Pasok sa trabaho at ihahanda na din tubig na pampaligo ko.

Saka magsasaing at magluluto ng ulam na pang agahan ko kasama na ang pang tanghalian na babaunin ko sa trabaho.

Ganito ang daily routine ng kagaya kong walang katuwang sa buhay at malayo sa pamilya at walang umaagapay.

Kaya kung ikaw ay single mom at may anak na binubuhay. Saludo ako saiyo nanay. Dahil sa iyong kinakaya ang dalawang papel sa anak na nangangailangan ng patnubay at gabay ng isang ama at ina na dapat ay magkasama sa isang bahay.

Kaya huwag kang susuko sa buhay dahil balang araw mapupunan ng ligaya ang dinanas mong hirap sa buhay kapag nakita muna ang anak mong maganda ang pamumuhay.

Isang pagpupugay para sa mga single mom or single dad dyan. I salute to you.

Thank you sa inyong lahat po.

Date Published:1-10-2022
Philippines time:3:20pm
Article:#23
Title:My life Being Single

2
$ 1.09
$ 1.09 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty

Comments

Ako'y nasayahan sa entry mong may kakayahan, kakayahan na bumuo Ng tulang makabuluhan, ako'y saludo sayo kaibigan, Kaya ipagpatuloy mo lang Yan.

$ 0.01
2 years ago

salamat kaibigan at iyong naibigan pahapyaw na kwento na may kapupulutan ng aral at inspiration sa buhay.

$ 0.00
2 years ago