Hugotero

0 17
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Mahilig akong humugot,hilig kong gawan ng definition yong mga words na naiisip ko. Simpleng words pero pinapalalim ko. Isa akong 💯% hugotero maybe because sa mga naranasan kona sa buhay, mapa pag-ibig man ito or sa karanasan bilang isang tao. Sa pamamagitan kasi ng paggawa ko non naipaparamdam ko yong gusto kong sabihin at ang nilalaman ng puso't isipan ko.

Kagaya ng salitang KAPE na lagi kong kasama tuwing umaga minsan tatlong beses sa isang araw pa,dahil sa kape humuhugot ako ng lakas sa pang araw araw na gawain.

K - Kakayanin ko ang lahat ng pagsubok sa buhay

A - Alang-alang sa pamilyang umaasa sa akin, lahat ng

P - Paghihirap na aking nararanasan ay aking titiisin upang pagdating ng panahon,

E - Everything is in good condition dahil sa pagsisikap ko para sa aking pamilya.

Simpleng words na binigyan ko ng kahulugan mula sa aking pinagdaanan na kasawian sa pag ibig pero tinapos para sa sarili.

PANAGINIP

P - Papatunayan ko sayo na hindi lang ikaw ang babaeng magpapatibok ng

A - Aking puso na ang

N - Nais lamang ay matugunan ng isang wagas na pag ibig

A - At hindi ang pasakit na nagmula sa

G - Gaya mong manhid dahil ang laging

I - Iniisip ay ang pansariling

N - Nararamdaman lamang at

I - Isang kagaya mong walang ibang ginawa kundi manakit ng

P - Pusong wlng ibang hiling kundi ang mahalin ng wagas at totoo.

Nasaktan ng subra dahil sa iyong ginawa pero bumangon upang mapatunayan na kaya kahit wala ka.

"I really love crying in the rain because when i do,no one can hear the pain and no one can see the tears that fall from my eyes".

RAIN

R - Remember that if you feel the pain in your heart don't hesitate to cry but

A - After the tears that shed in your eyes, rise up and be

I - Inspired again and make a promise to yourself that you'll

N - Never cry again.

No matter what happened cheer up, Don't waste your time with that useless people who hurt your feelings.

Para maibsan ang lungkot na nadarama kumakain ako ng sweet like chocolate. I like nips nagawan kona ito sa noise dahil sa alaala ng ulan noong aking kabataan.

NIPS

N - Noon kaya kong tumayo maghapon sa

I - Ilalim ng ulan kahit pa maghapon yan dahil sa

P - Panahon lamang ng tav ulan kami ay umaasa para makapagtanim ng palay upang kami ay may aanihin pagdating ng tag gutom

S - Sipag at tyaga ang kailangan para ikaw ay mabuhay sa mundong ibabaw na puno ng pasakit dahil sa kahirapan.

Every words na lumalabas sa aking isipan ay aking hinuhugutan,karamihan dto ay nanggaling mismo saking tunay na nararamdaman.

PINE TREE

P- Pinili ka aking sinta kahit alam kong

I - Ikaw ay lilisan din katulad nila na

N - Nagawa din akong iwanan dahil nakakita ng iba

E - Ewan ko ba kong bakit sumugal pa saiyo aking mahal ngayon ay aking napatunayan na

T - Tunay ngang kasawian sa pag ibig ay hnd mapipigilan dahil ito ay bahagi na ng isang

R - Relasyon na minsan ay panandalian lamang at isang

E - Experience na masakit sa puso't isipan pero hanggat tayo pa ay

E - E-Enjoy ko lang ang panahon na tayo ay masayang nagmamahalan.

Kahit alam kong lahat ng relasyon ay may ending na minsan ay kayo kong tadhana nyo'y pariho at kung minsan ay nagkakalayo dahil tinadhanang kayo ay magkalayo.

"The pain you feel today is the strength you feel tomorrow".

PAIN

P - Pangakong napako dahil

A - Ako ay iyong iniwan at

I - Ipinagpalit sa iba kaya ako

N - Ngayon ay nasasaktan at lumuluhang mag isa dahil saiyong paglisan sinta.

STRENGTH

S - Sinayang mo lang sinta ang inalay kong pag ibig na

T - Tunay at totoo.

R - Relasyong iyong sinayang,ngayon ay iyong panghihinayangan dahil

E - Everyday in your life na ako'y nakilala pagsisisihan mo sinta dahil ipapakita ko saiyo na hindi ka kawalan sa aking buhay.

N - Ngayong alam kona kung gaano kasakit ang maiwang mag isa

G - Gagawin kong inspiration lahat ng sakit na iyong ipinadama at gagawin kong sandata para

T - Tuldukan ang pag ibig na

H - Hangal dahil sa aking pagmamahal na hnd mo tinumbasan.

*Lagi natin tandaan sa pag ibig kailangan mong magtira sa sarili upang hindi ka lubusang masaktan dahil sa huli ikaw at ikaw pa din ang masasaktan at gagamot sa pusong nasugatan.

.............................................................................

Thank you my dear reader's, liker's and upvoter's for always interacting with my article.

Date Published:12-4-2021
Philippines time:12:00am
Article:#17
Title: Hugotero
All images are from splash

2
$ 0.39
$ 0.39 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
2 years ago

Comments