Ang aking buhay bilang batang magsasaka

6 27
Avatar for Pupucutie
3 years ago
Topics: True life story
  • Kung naaalala nyo nabanggit kona sa aking unang artikolo na "scar's that have deep story"na ako ay tumutulong sa aking mga magulang para mag kopra. Ang pagkokopra ang aming pangalawang pangkabuhayan. Dito kami binubuhay ng aming mga magulang.

  • Umpisahan ko po ang buhay ko bilang isang batang magsasaka.

Unang araw ng pagsasaka

Ang aking ama ang syang umaakyat sa puno ng niyog, ako at ang aking ina ang syang namumulot at nag iipon ng niyog para ilagay sa (kangga- term po saming dialect) na hihilain ng kalabaw para dalhin sa aming pag lulutuan dito.

Ito po yong kangga na sinasabi ko

At kung minsan nilalagay ko sa basket na ratan na sukbit ko sa aking likod at dadalhin sa aming paglulutuan.

  • Na imagine nyo ba ang isang 12 y/o may dalang mabigat na laman ng basket na ratan sukbit sa likod para tumulong sa mga magulang? Hindi naranasan ang makipaglaro sa lansangan kasama ang mga kababata at mga kaibigan.

Ang aking ama na syang umaakyat ng puno ng niyog. Dahil mag isa lamang sya minsan inaabot hanggang dalawang araw ang pag akyat nya.

Dapit hapon na kami nakakauwi ng aming bahay. Ako at ang aking ina ay sa ilog dumadaan pauwi,binabaybay namin ang ilog para manghuli ng isda,hipon at talangka sa pamamagitan ng pagkapa sa mga butas sa gilid ng tubig. Sa gilid ng ilog kumukuha din kami ng gulay na pako para may pang lahok kami dto. Hapunan namin ay solve na,hindi na kailangan ng pera para bumili ng uulamin.

Samantalang ang aking ama ay dadaan sa kabila naming bukid para iahon sa ilog ang aming mga kalabaw at dalhin ito sa patag at ng makakain ng damo.

Picture ng Kalabaw namin nakuha ko sa FB

Pagdating ng bahay hindi muna ako maglilinis ng katawan,dahil oras nmn ng pag igib ng tubig. Pag igib na araw-araw kung ginagawa. Ang aking ina ang syang magsasaing ng kanin at magluluto ng ulam namin. Habang ang aking ama ay nagpapahinga. Pagdating ko ng bahay galing sa pag igib tutulungan ko ang aking ina para magkayod ng niyog para sa panggata sa aming nahuling ulam.

Napaka simple ng buhay namin noon,masaya dahil sama-sama. Pero minsan nakakapagod din kagaya ng tulad kung bata pa. Pero kinakaya para sa pamilya. Pamilyang naghihikahos dahil minsan wlng wla.

Mga kuya kong maagang umalis sa poder ng aking ama't ina upang mag aral sa ibang lugar ng malaya. Mga ate kung wlng ginawa kundi mag aral at humulita. Minsan napapatanong ako sa isip ko bakit sila hindi obligadong magpunta ng bukid? Bakit sila hindi pinapagalitan ng aking ama't ina? Bakit sila binibigay ang gusto kapag may kailangan sila? Tama po kayo sa inyong nabasa lahat po na sinasabi ko ngayon ay aking naranasan mula noong ako'y bata pa.

Nakakatampo po diba,sa mura kong edad madami ng katanungan sa isip ko patungkol sa aking sitwasyon. Minsan nga natanong kona nanay ko kong anak ba tlg nila ako kaya ganun nila ako?

Sabi ng iba kapag bunso ka swerte ka dahil ikaw ang favorite ng parents mo. Pero bakit sa sitwasyon ko ako pa yong laging utusan,pinapagalitan kahit wala naman kasalanan.

Pangalawang araw ng pagsasaka

Balik sa bukid para tapusin ang aming pagkokopra. Madaling araw pa lang gising na kami para mag asikaso ng aming dadalhing baon na pagkain. Nauunang umalis ang aking ama dahil dadaanan pa ang aming mga kalabaw para dalhin sa ilog at paliguan. pagkatapos noon deritso na sya sa aming koprahan.

Kalabaw namin nakuha ko sa FB

Minsan ang aking ina ay nauuna ng umalis ng bahay kya minsan naiiwan ako para dalhin ang baon.Ilalagay ko lng ito sa ratan na aking dala-dala sa tuwing ako ay pupunta sa aming bukid.

Bago dumiretso sa aming koprahan maliligo muna ako sa ilog para hindi mainitan sa paglalakad pero madalian lamang dahil kailangan makarating agad sa koprahan dahil kailangan ng aking amang mag almusal.

Ilog kung saan ako naliligo noong bata pa ako

Sasabak na nmn sa matinding trabaho. Sa araw na ito ay magbubunot ang aking ama ng niyog minsan tinutulungan sya ng aking ina. Ako nmn ang mabibilang sa nabunutang niyog. Kapag tapos ko ng bilangin saka ko bibiyakin. Tama po kayo ako po nagbibiyak hawak ang malaking itak na minsan kpag nagkamali ka ng taga pwde kong ikasugat na laging nangyayari kapag ngalay na ang braso ko dahil sa maliit lamang ito.

Ito ang piklat sakin daliri

Pagkatapos kong biyakin Saka ko naman isasalansan sa paglalagyan upang dito lutuin (ang tawag samin ay pagkakamada) dto kailangan mong isalansan ang niyog na maayos para sabay sabay na maluto.

Kapag tapos na ang aking ama't ina magbunot tutulong na sila mag biyak ng niyog. Minsan iniipon ko ung laman para iuwi at ipamigay sa aking mga pinsan. Tapos ako kain ng kain habang nagbibiyak. Ganyan ako noong bata hindi alintana ang pagod at sakit na aking nararamdaman basta nakikita kong ang magandang kinakahinatnan at nakakatulong sa aking mga magulang.

Itutuloy ko po ang karugtong ng aking kwento. Abangan nyo po.

Salamat sa pagbasa.

@Pupucutie

6
$ 0.01
$ 0.01 from @QueencessBCH
Sponsors of Pupucutie
empty
empty
empty
Avatar for Pupucutie
3 years ago
Topics: True life story

Comments

Ang sipag mo naman pupu😭 Panganay ako pero yan din ang reklamo ko nun, sana naging bunso na lang ako kasi sa hirap ng buhay namin noon ako lang din ang lagi nauutusan ng mama ko.

Ibang iba na ang mga kabataan ngayon :(

$ 0.00
3 years ago

Bunso po ako saming magkakapatid pero sakin lahat napupunta ung utos ng parents ko.

$ 0.00
3 years ago

Naranasan ko din yan sis noong maliit pa ako , nag lilikay kame ng niyog tapos kukuprahin per kilo ang bili ,tapos ang BAO gawing uling.. Hirap ng buhay noon ,swerte mga bata ngayon kumpara noon

$ 0.00
3 years ago

kya nga po eh, swerte nila... okay lng po sanang gnun mga bata ngaun eh basta ang importante pahalagahan nila lahat ng pinagpaguran ng kanilang mga magulang at suklian nila ng maganda lalo na sa pag aaral.

$ 0.00
3 years ago

Napakasipag nyo nung kabataan mo yan ang dapat sana tularan sa mga kabataan ngayon kaya lang puro gadget na ang hinahawakan yan na ang reality ngayon .

$ 0.00
3 years ago

tama po kayo,wla na po kayong makikitang mga bata na wlng hawak na gadgets po ngaun,ultimo pag tulong sa mga gawaing bahay hnd na po magawa dahil sa mga nakamulatan nilang panahon.

$ 0.00
3 years ago