Dahil napaka importante ng Mental Health sa panahon ng pandemya, narito ang layunin ng Mental Health Act:
Ano ang layunin ng Mental Health Act?
Ang Republic Act No. 11032 o ang Mental Health Act ay naisabatas noong 2018. Sa batas na ito ay pinagtitibay ng estado ang pangunahing karapatan ng lahat ng mga Pilipino sa kalusugang pangkaisipan pati na rin ang pangunahing karapatan ng mga taong nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan sa pag-iisip. Sinasabi rin dito na dapat ay nagagamot ang kondisyon ng mga taong may problema sa kalusugang pangkaisipan at nakabibili ang mga tao ng mura at de-kalidad na mga gamot. Isa pang layunin nito ay protektahan ang mga tao, sa trabaho at lipunan sa pangkalahatan, mula sa diskriminasyon at sa stigma na dulot ng pagkakaroon ng karamdamang pangkaisipan.
Nawa'y nakatulong ang artikulong ito para mapalaganap ang importansiya ng Mental Health.