"Nagloko ako dahil nagkulang ka"
***Sino nga ba ang may mali, yung walang panahon para sayo o yung taong unang nanloko? Kapag ba niloloko ka mapapatawad mo pa o iiwan mo siya at maghanap ka din ng iba? Sino nga ba ang nagkulang, ako ba o siya?*** Marami sa'tin naghahangad ng oras sa taong mahal natin. Mga panahong walang ibang malalapitan kundi siya lang. Pero wala! hindi siya dumating! Nangangakong susunduin niya ako, na sa labas kami kumain pero hindi natuloy kasi sabi niya "busy pa ako, tsaka na siguro". *Paano ako magiging masaya kung atensyon mo para sa'kin ay wala na. Oo sabihin nating busy ka, sabihin nating may inaasikaso ka sa opisina pero sana man lang kahit konting oras mabigay mo man lang. Nandito ako! ba't ba di mo ako makita? Ba't ba sa tuwing gusto kitang makasama eh laging busy ka*. **Mahal mo pa ba ako o hindi na?**
Lagi kong sinasabi na gusto ko ng anak, pero ba't ba ayaw mo? Hindi naman ako mabubuntis, if you doesn't cooperate di ba? Lagi akong naghahanda ng hapunan para pagdating mo makapagkakain ka at makapag-usap tayo. Pero ayun, lagi kang diretso sa kama, ni pagsabing "mahal kita" hindi mo magawa. Di ba nong bagong kasal pa lang tayo lagi mong sinasabi sa'kin na kahit anong mangyayari, hindi mo ko pababayaan. *Pero anong nangyari? nakalimutan mo na ba? Nakalimutan mo na ba lahat dahil lang busy ka? O dapat na ba akong mag alala dahil mukhang may iba ka na. Tama ba?* ***Nakalimutan mo din ang sinabi mong "mahal halika labas tayo", kasi heto ako oh naghihintay sayo. Sa'n ka na ba? Sabi mo saglit lang pero ba't hanggang ngayon wala ka pa? Ni minsan ba naisip mo ang nararamdaman ko? Ni minsan ba pinahahalagahan mo ang pangako mo? Sabi mo babawi ka pero sa'n ka na?*** Sa panahong wala ka, nandito siya. Sa tuwing iiyak ako kasi nahuhuli ka na naman, lagi niya akong sinasamahan. Tuwing nangangako kang hindi mo naman tinutupad, nandito siya nagpupunas ng mga luha kong kusang pumapatak. Mali ba? Mali ba kung nahulog ako sa kanya? Mali ba kung gusto ko na siya? Hindi naman mangyayari to kung lagi kang nandyan di ba? Hindi mangyayari to kung lahat ng pangako mo tinutupad mo. Pero hindi eh, hinayaan mo akong mahulog sa iba, hinayaan mo akong magkasala. Oo, aaminin kong nagkasala ako! pero nagkulang ka! Sabihin nating mali ang ginawa ko. Oo alam ko! alam ko pero ano pang magagawa ko nangyari na ang dapat na mangyari. Oras lang naman yung gusto ko di ba? Yan lang yung lagi kong hinihingi sayo? Sabihin mo nga sa'kin mahirap bang ibigay 'yon? Ilang ulit kang nangako mahal ko, ilang din akong naniwala sayo. Patawad, napagod na ako, napagod na akong umasa na isang araw pahalagahan mo rin ako. Napagod na akong umiyak, napagod na yung puso ko. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. Pero mahal pwede naman akong bumawi di ba? Iniwan ko na siya kasi pinili kita. Kahit anong ipagagawa mo susundin ko, kahit pa ilang oras akong maghintay sa resto. Kung didiretso kalang sa kama pag-uwi mo, okay lang basta mapatawad mo ako.
Pero habang lumilipas ang panahon, lalo kang nag iba, sa sobrang lamig mo e hindi ko na makakaya. Nagkamali ako pero pinili mo ring kalimutan ako. ***Hindi ko alam kung sinadya mo bang magmahal din ng iba o sadyang wala na talagang dapat na isalba pa.*** Sa ngayon mahal malaya ka na, pinakawalan na kita. Masakit man para sa'kin pero alam kong masaya ka sa piling niya. Sana lagi mo akong maalala, na minsan may naging asawa ka. Salamat sa masayang ala-ala. Guys hindi ko ito kwento ha? Baka kasi isipin niyo ehehehe. By the way ito yung teleserye na "TO HAVE AND TO HOLD" (starring Carla Abellana, Rocco Nacino and Max Collins). *Ikaw ba tatanungin kita, mapapatawad mo ba kung niloko ka niya or iiwan mo din siya?* Sorry kung medyo pangit kung pagkagawa😁. ***Thank you for dropping by! I appreciate it! To my upvoters, commentors, likers and sponsors a million thank you!*** Images by **gma network** Check their article too it's worth to read ❤️
6 comments
Kini kay avid fan jud ka maka excite amg ending hahaha
aww oh jud ye ay makalagot na makahilak😁
makasapot in short hahah
I think kung hndi sa teleserye hindi na ulit mababalik ung dati after magluko nung isa, kasi i think kaya wala ng oras ung isa sa asawa nya kc wala ng halaga, so if ever manluko man to,wla ng halaga sa knya un kc wala na nmn xiang pakialam. Kaso kc teleserye,kaya may mga acceptance at forgiveness pang nalalaman😂🤣
hahahaah oo nga eh kung sakin to nangyari naku lagot talaga😁
Aguyy.. Sa part ko naman, hindi naman dahilan ang kawalan nang oras para magloko or mangloko. "To have and to hold" nga diba? Hindi naman kasi talaga sa lahat nang panahon, nandiyan yung tao kung kailangan natin. May mga times din talaga na kailangan natin, intindihin ang sitwasyon bago muna gumawa nang aksyon..