Saan ka nga ba nagsimula at ano ang iyong pinagmulan?
Tanda mo pa ba ang unang araw ng pagsambit mo ng a ba ka da?
Ang mga araw na ika'y tuwang tuwa dahil sa pagiging makata
At ang mga panahong pinapaintindi pa sayo ang wikang pinagmulan mo
Tanda mo pa ba? O limot mo na?
Wikang Filipino ang tanging naging gabay mo
Ito ang wikang nagbubuklod sa mga kapwa mo Pilipino
Pero bakit tila hinahayaan mong makalimutan ito?
May silbi pa ba ito o tanging nagpapadala ka sa pagbabago?
Wikang hapon ba ang pinaglaban mo ng buong puso?
At parang ang wikang Filipino ay tinatalikuran mo
Naalala monpa ba ang hirap ng ipinaglaban ni Manuel Quezon ang wikang ito?
Ang wikang siyang naging gabay ng mamamayang Pilipino
Ang wikang nagbubuklod upang magkaisa tayo
At ang wikang kinagisnan mo at ng lahat ng tao
Tanda mo pa ba o kinakalimutan mo na?
Bakit parang kay dali na ipagpalit ang wika natin sa wikang hindi naman atin
Paano pa natin ipapamana ito sa mga bagong henerasyon
Kung tayo mismo ang magtutuldok sa wikang ito sa ngayong henerasyon
Wikang kinagisnan pa din ba o wikang nauuso sa kabataan ngayon?
Ipaglalaban mo pa ba o kakalimutan mo na?
Kakalimutan mo nalang ba ang kahalagahan ng wikang ito?
O mahalaga pa ba ang wikang sumisimbolo sa bansa mo
Ang wikang sumasagisag sa pagkakakilanlan mo
Ang wikang pinaglaban at pinagyaman ng kapwa mo Pilipino
Kakalimutan mo nalang ba?
Ang wikang sumisimbolo sa pagiging matatag ng bansa at mamamayang Pilipino
Ang wikang pinagyabong upang magkaintindihan kayo at tayo
Kakalimutan mo nalang ba o ipaglalaban mo
Ang wikang Filipino na siyang WIKA MO!