Naranasan mo na bang masakatan, yung bang hindi pa kayo pero broken hearted ka na agad......Hehehe. Yung bang sobra mo siyang minahal, minahal mo siya higit sa sarili mo. Ako kasi yung pag nagmahal todo todo, wala na akong natitira sa sarili ko. Ilang beses na akong nasaktan, ilang beses na akong nabigo sa pag-ibig pero bakit nga ba hindi pa rin ako takot magmahal kahit paulit-ulit na akong nasasaktan at niloloko
KASI......
Gusto ko na maging tapat sa sarili ko, yun lang yun. Kung mahal ko siya edi mahal ko siya hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. At least wala akong pinagsisihan na pinaramdam ko sa kaniya/kanila na mahal ko siya. Hindi naman ako ang mawawalan kung lolokohin nila ako,diba? sila naman ang mawawalan, duhhh. Sa totoo lang madali lang naman makipagbreak sa akin eh, hindi ako yung taong pag nakipag break ka gagawa ng gulo ayoko ng ganon. Just give one reason kung bakit gusto mo ng kumawala sa akin yung totoong rason, malay ka na. Ayoko ng madaming explaination isa lang din kasi ang uwi nun eh, break up tssss.
What do I do when I’m broken hearted
I THINK POSITIVELY
Lagi kong iniisip na pag dumadaan yung mga panahon na may mang iiwan sa akin na Hakbang lang sila para makita at matagpuan ko yung taong para sa akin. Katulad nga ng sinabi ko hindi ako ang nawalan kundi sila, maging thankful pa nga ako dapat dahil kumawala ako sa isang relasyon na hindi naman talaga para sa akin.
I DIDN’T MOVE ON IMMEDIATELY
Hindi ko pinipilit magmove on, isa toh sa lagi kong pinapayo sa kaibigan ko pag sila naman yung broken hearted. Lagi kong sinassabi na
Hindi madali ang magmove on kay wag mong pilitin, hayaan mong mabuhay ka na nandiyan yung sakit hanggang isang araw magugulat ka na lang nakamove on kana, pero wag kang mabubuhay na kasama ang galit lalo kalang mahihirapan mag move on.
Ang pag momove on ay parang pagmamahal lang din, minahal mo siya sa hindi inaasahang panahon makakalimutan mo rin siya sa hindi mo inaasahang panahon. Hindi ko tinatanong sa sarili kung nakamove on na ba talaga ako o hindi kasi pag lagi kong iniisip kung nawala na ba talaga yung nararamdaman ko sa kaniya o nandoon parin, lagi ko lang maalala yung nararamdaaman ko sa kaniya kung ganon pa rin ba at lagi ko lang ipapalala sa sarili ko yung sakit na nararamdaman ko.
LOOKING FOR SOMEONE TO TALK TO
Kinaka usap ko yung pamilya at mga kaibigan ko, kasi alam ko na kung ikekeep sa sarili yung nararamdaman ko lalo lang bibigat yung loob ko kasi naiipon lang siya sa loob ko. Pero alam ninyo kung ano yung pinaka mas nakakapag pagaan ng loob ko, syempre di ninyo alam di ninyo ako kilala eh...... char. Nakakagaan ng loob yung kahit hindi ako mag salita ipaparamdam nila sa akin na nandito lang sila, na bibigyan nila ako ng isang yakap na pinaparamdam nito na iiyak ko lang yung nararamdaman ko, na hindi man nila alam yung pinagdadaanan ko nandito sila para sandalan ko. Yung gano ang sarap sa pakiramdam nun, yung nandiyan sila para advice sayo ng mga bagay bagay kahit paulit ulit na. Yung bang nag mumukha na silang tanga para lang mapatawa ako, ganyan na ganyan yung kaibigan at pamilya ko.
TRUST IN GOD
Ayan yan yung lagi kong tinatatak sa isip at puso ko na mag tiwala sa Dios, alam ko na may plano siya para sa akin. Ano man ang nararanasan ko sa buhay may rason siya sa lahat ng yun. Sa kaniya ako laging lumalapit at nagsasabi ng mga nasa isip ko, nakakapagsabi ako ng problema sa kaniya na walang humuhusga sa akin. Yung tiwala ko sakaniya yung naging dahilan kung bakit lumalaban ako sa buhay kahit na anong problema, hindi ko naisip na mag suicide kahit na anong lungkot ko. Sabi ko sa sarili ko na
Mag papahinga ako sa buhay pero hindi ako titigil, hindi ako titigil na mabuhay hanggat ang Dios na mismo ang bumawi ng buhay ko. Isa sa pnagpapasalamat ko sa Dios ay yung binigyan niya ako ng positibong pag iisip sa buhay kasi sa totoo lang habang tumatanda tayo ang daming struggle sa buhay na dapat hindi tayo tumingin sa negative side.
I AM ENTERTAINING MYSELF
Kapag nasa 1 week palang akong broken hearted mas gusto ko sa tahimik na lugar kaya pumupunta ako sa bundok at dagat. Naglilinis din ako ng bahay, madalang lang ako mag linis ng bahay kaya aabutin ng buong araw ang paglilinis ko ng bahay. Nililibang ko yung sarili ko sa panonood ng asiandrma, movies at anime. Nagbabasa at bumibili ako ng libro.
Kapag naman mg nasa 2 weeks na mas gusto ko sa mataong lugar para hindi ko ma feel namag isa ako at gusto ko ng maingay para hindi ako makapag isip ng mag isip. Ayoko ng isip isip ang problema, sa ganitong panahon dapat iniisip ko na kung paano ulit mabubuhay na dala yung experience ko na ma heartbroken ulit.
Sa ganiyang paraan nakakapagmove on ako at patuloy nabubuhay kahit nasasaktan.
Kayo ba paano ninyo hinaharap ang buhay pag broken hearted kayo? Paano kayo nagmomove on?