Join 59,290 users and earn money for participation

Let it go

1 2 boost
Avatar for Princes25
Written by   15
7 months ago

MOVE ON

Madaling sabihin pero sobrang hirap gawin.

Alm mong masaya na sya kaya sana,maging masaya kana rin kahit wla na sya.

Kung pwede lang ibalik ang panahon na nakilala mo sya.

Na di tulad ngayon na halos di kana kilala...

Hindi madaling makalimot, alm ko.

Lalo ng kung mahal mo pa sya,pero di rin madaling ipaksiksikan ang sarili kung ayaw niya na talaga.

Mahal mo pa?

Bakit, sya ba mahal kapa?

Gusto mo pa?

Sa tingin mo, ganun din ba nararamdaman niya?

Sa tingin mo ba maayos pa?

At may ginawa kanaba para magkaayos pa?

Kasi kung mahal mo pa subukan mong balikan siya.

Ginawa mo lahat ng paraang alm mo.

Bumalik lang siya sayo kasi di bale ng magmukhang tanga ka sa harap ng maraming tao.

Magalit man sila sayo o susuportahan ka nila sa gagawin mo atleast ang importante nagawa mo ng lahat para sa taong mahal mo .

Para kung sakaling dumating man ang panahon na mapagod ka, sa kakahabol sa kannya.

Di ka magsisisi na sumuko.

Kasi alm mo sa sarili mo na sinubukan mong maayos pa kaso ayaw na niya talaga.

Than way, wla kang what ifs na hindi mo ginawa at ng sanang ginawa mo.

Pero kung sa tingin mo ayaw niya na.

Ipagpapatuloy mo paba?

Dahil kung lage mong babalikan ang tapos na, di ka kelan man babalikan ang nakaraan, hindi ka kailanman nakakagalaw sa sitwasyon na meron ka.

Kung gusto mo na talaga maging masaya at makawala sa nakaraan ninyong dalawa.

Siguraduhin mo munang handa kana yung tipong hindi kana paulit-ulit na babalik sa umpisa kasi handa kang maglakad papalayo sa kannya.

Kasi wla din namang kwenta kung gusto mong makalimot.

Pero hinahanap hanap mo pa.

Simple lang.

Mahal mo pa?

Balikan mo na.

Ayaw na niya at na gawa mo na lahat?

Then, tama na.

Pilitin mong umahon sa pagkakalungmok.

Pilitin mong bumangon sa nakaraan.

Pilitin mong kalimutan ang dapat ng kalimutan.

Alam kong hindi madali at hindi mo kelangan magmadali kasi ang pagmomove on hindi nadadaan sa iyak lang.

Hindi na dadaan sa mabilis at lalong hindi nadadaan sa mabilisan at lalong hindi nadadaan sa isang tulog.

Na tipong pag gising mo ay wla na ang sakit.

Pero hindi mo din kelangan magmalimos.

Magmalimos ng pagmamahal at nagmakaawa na babalikan ka pa niya.

Kung talagang ayaw niya na dahil kung talagang para sayo siya at kung talagang mahal ka pa niya.

Eh di sana kayo pa.

Eh di sana nakipagbalikan na siya.

Eh di sana di niya hinayaan na mawala ka at di sana..dika masaktan ng ganito ngayon sa pagkawala niya.

Kaya kung gusto mong makalimot namnamin mo muna ang sakit.

Harapin mo ang katotohanan at tanggapin mong wla na talaga kasi one day.

Pag napagod kana sa kakaiyak at pag natauhan kana pwede mo ng sabihin sa kannya na.

"Pinakawalan kita pero di kita sinukuan.

Napapagod na ako at natauhan na ako sayo."

"Ginawa KO na lahat, pero ayaw mo na talaga handa na kong limutin ka di man magiging madali ang paglimot ko sayo."

"Pero sisiguraduhin kona pag nagkita ulit tayo eh okay na ako.

4
$ 0.00
Avatar for Princes25
Written by   15
7 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Awesome to hurt my heart

$ 0.00
7 months ago