Ang eupemismo ay isang paraan ng pagpapalit ng mga salitang mas magaan, mas kaayaaya, mas maganda, at mas madaling pakinggan kumpara sa mga salita na mabigat, masakit, at minsan ay hindi rin maganda sa ating pandinig, na hindi nawawala ang tunay nitong ibig sabihin o kahulugan. Sa ibang salita, ito rin ay tinatawag na badyang pangpalubagloob.
Mga halimbawa
Narito ang ilang halimbawa ng mga pag gamit ng eupemismo
katulong - kasambahay (bagaman walang masama sa ganitong hanapbuhay, ang salitang "katulong" ay madalas nabibigyan ng ibang tao ng negatibong depinisyon)
namatay - sumakabilang-buhay
maliit - hindi katangkaran
nangaliwa sa asawa - sumakabilang bahay
magnanakaw - malikot ang kamay
pagdumi - tawag ng kalikasan
mahirap - kapos sa buhay
mataba - malusog
payat - balingkinitan
Sa madaling salita, ang eupemismo ay pagpapagaan ng bigat ng isang termino o salita, na hindi rin sinasakripisyo ang kahulugan nito.