Long time no post din po dito hehe. Nabusy kakareview para sa exams, nagpuyat pa naman ako kahapon para sana sa test. Supposedly kase 3 exams ang itatake namin, it turns out wala palang pasok today due to the weather condition. Atleast more time to review! :) Though sana hindi matuloy ung malakas na bagyo hehe. Good evening po sa lahat! Kamusta po? Anong dinner nyo today ❤️
@PrettySay
Joined 9 September 2022 · 62 posts
Active now 🟢
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Yung ang dami kong nakitang posts na tuyo kaya ayan tuyo nalang din ang niluto ko hehe at sinamahan ko na din ng itlog. Parang breakfast lang ang peg diba. Natakam kasi talaga ako sa mga posts kanina eh. Ngayon makakakain na rin ako. Pero mamaya pa kami kakain tsaka iba ulam nila mommy hehe ako lang kasi ang nagcrave dito eh.
Done unfollowing! Haha unfollow talaga?! Kaya naman pala di ako makacomment kasi ako lang ang nakafollow at puso ng puso. Di pala ako pinapansin, how sad naman...charot lang po. Unfollow nalang kasi di ako makacomment, follow nalang ng ibang users yung pwede ako makipag intreract hihi. Now I'm watching GMA teeserye yung abot kamay na pangarap. G@nda kasi ng story eh.
Ginataang tilapia, breakfast to lunch na namin to mga kanoise. Isang lutuan nalang para tipid naman sa gas. Naulan parin kaya nakakatamad lumabas ng bahay, buti nalang at wala kaming pasok ngayon. Good morning po sa inyo! God bless.
Biscuit tayo mga kanoise, sarap isawsaw nito sa kape or gatas. Matigas kasi to eh kaya magandang isawsaw sa kape tsaka mas sumsarap. Bihira ako makabisita ngayon dito ksi naman tambak ng gawain. Pero kahit pano nakakasilip parin. Game! Umpisahan ko na isa isa ang pagbabasa habang nagmemeryenda.
Kumkain ba kayo nito mga kanoise? Sardines with pechay, niluto ko kanina pagkagising ko. Ito ang mineryenda ko kanina pagkagising ko. Nkakita kasi ako sa ref ng pechay tapos may sardins din. Parang gusto ko ng rice at minit na ulam haha. Masarap naman kaya lang di ko naubos kasi ang dami eh hahaha
Hapon na kelangan ko ng bumangon. Napasarap ang tulog ko kasi malakas ang hangin. Itong kurtina nilagyan ko ng sipit ng damit kasi hinahangin. It's meryenda time na kaya babngon na po ako talag hehe.
Kagabi bumawi ako kay mommy, uminom na ko ng milk at hindi ko na hinintay na ipagtimpla ko ni mommy para matuwa sya saken. Kaya naman sabi ni mommy na very good ako kasi di ko na nalimutan yung routine ko pag gabi. Musta po ang araw nyo? San maging maganda ang araw nating lahat. Good morning po.
Nagchat ako kay mommy kasi breaktime namain, tapos biglang pinaalala saken mommy na hindi pala ako nakainom ng milk. Nakita nya daw kasi na hindi nagalaw yung gatas ko. Dati fresh milk pinapinom saken ni mommy pero dahil lagi kong nalilimutan uminom pinalitan nya ng powdered milk kasi three days lang pwede ang fresh milk after opening. Mamayang gabi iinom na talaga ako. Sobrang busy kasi kaya di ko na naalala uminom.
Lunch break, kain na po tayo. Dito ko school with my classmates, sama sama kami sa pagkain para mas ganado kami. Di man namin kasama sa pagkain ang family namin at least di parin kami loner. Kain na po
All my bags are packed and ready to go.. good morning sa lahat. Nakaprepare na ang gamit ko pagkagising ko. Thanks to my wonderful mom na laging nag aasikaso saken. Di bale pag dumating ang araw na ako ay malakas na at may sarili ng trabaho ako naman ang mag aasikaso kay mommy at papa. God bless us all mga k@ingay.
Good night na po, tulugan na para bukas maaga din magigising. Umaambon ambon parin dito samin kaya masarap matulog. Si popo yung y@kap ko sa gabi ready n din matulog hehe.
Isang nakakpagod na araw ito para saken. Maghapon kaming nagpractice sa school kaya nagutom ako ng sobra. Tasty bread at cheez whiz na muna at mlamig yung mango graham, sabi ni mommy baka sumakit tummy ko. Kain po tayo.
Masarap na snack ngayon, kaya lang kahapon pa namin to meryenda. Ngayon ang ginawa ni mommy is yung mango graham. Gusto ko ng tikman yung graham ni mommy tapos gusto ko din to hehe.
Mango graham. Si mommy naman ngsend ng picture ng ginawa nyang mango graham. Nag crave tuloy ako huhu, gusto ko na tuloy umuwi para matikman ko na tong gawa ng mahal kong mommy. Sana 5 pm na para uwian na hehe.
Almusal Adobong sitaw at pritong daing na bangus. Natira to kagabi kaya ito nalang ang breakfast ko, init init nalang hehe. Tinaghali kasi kami ng gising kaya late n nakapagprepare si mommy. Okay din naman to kasi habang iniinit ang adobong sitaw ay lalung sumasarap. Kain na po tayo.
Hahaha balik Cod ulit ako. Ung mga classmates ko lagi nagccod kaya natry na magbalik loob din. Waw naman first game MVP agad hahaha. Wala lang po SKL. Ang sarap maglaro paguwi ng school. Nakapagdinner na po ba kayo?
Good morning! Ngayon nalang ulet nakapagpost at sobrang busy po sa school. Ito po ang breakfast at baon ko na din po plus adobong kangkong. Daming ganap s school ngayon lalo at malapit na mag face to face. Ingat po tayong lahat lalo na yung mga papasok sa school at sa kani kanilang work
Good morning! It's monday again at maaga ang pasok ko sa school. Every Monday dapat before six ay nasa campus na kami. Nakaprepare na din ang baon ko, ginisang sayote and ham for lunch at tasty bread with cheese plus yakult for snack. Ingat po tayong lahat. God bless everyone.
Medyo sumakit ang aking ulo buti nalang at girl scout ako, lagi akong may dala na rub. Since elementary kasi sakitin na ulo ko pag sobra init or sobrang lamig. Paiba iba kasi panahon ngayon kaya siguro nasakit ulo ko. Lunch break na po kain na po tayo.
Ito yung kasangga ko kagabi habang nagsasagot ng mga tasks ko. Nawala antok ko dito kaya naman lahat ng tasks ko eh nasagutan ko naman hehe
Good morning! Here's my breakfast and at the same time baon ko na din sa school. Maanghang anghang na gatang tilapia. Pag lunch time na need ko tong initin sa microwave sa school para mas sumarap pa. Sarap mag alaga ni mommy kaya love na love ko sya.
Just wanna share my project in creative technology. Singsing ang naisip ko kasi bigla ko nakita yung paper clip sa table eh. As per my teacher instructions, any materials daw sa bahay pwedeng gamitin. Good afternoon sa lahat, nice ba yung project ko hehe.
Milk po muna tayo before going to bed. Ito ang hindi ko pwedeng makalimutan kasi gabi gabi ko tong ginagawa, ang uminom ng gatas sa gabi. Magagalit si mommy pag di ako uminom kasi nakakapagpalakas daw ng resistensya ang pg inom ng milk. Good night na po sa inyo.
Lumpiang Shanghai. Ito ang breakfast ko for today kasi maaga umlis sila mommy at papa kaya kami lang ni bunso ang kakain ngayon. Tatlo lang ang niluto ko kasi di ko type masyado ang ready to cook na mga foods. Mas gusto ko ang homemade na gawa ni mommy.
Hello noiser!! Here's my obra hehe. The before and after ko i-brazillian blowout ang hair ni mommy. Sobrang dry na kasi hair ni mommy pero ayaw nya magpsalon kasi mahal daw masyado. Kaya naisipan namin magpbudol sa shopee. Bumili kami ng Brazilian treatment ang tadah!!! Buhay na buhay na ulet ang hair ni mommy. By the way 69php lang bili namin sa treatment but super sulit.

Good morning! Just wanna flex my crop top jacket I ordered from shopee. Dahil super lamig ng AC sa school lagi talaga kaming nakajacket. That's why decided to buy me additional jacket kasi tatlo lang ang jacket ko sa ngayon. Mahirap daw pag hindi agad nalabhan kasi wal akong misusuot. Kaya sobrang happy ko today mga kanoise. Love love ko talaga si momshie ko. 💕 😘
This is one of my favorite jam, strawberry jam. Pero si mommy ayw na ayaw nya yan kasi matamis daw. Gawa ko naman dyan is minsan dessert ko nalang after meal para tanggal umay pagkatapos kumain. Pero minsan pinapalaman ko din sa tinapay. How bout you guys what's your favorite jam?
Good morning to all! Tara po kutsinta tayo. Kada weekend talaga may naglalako ng kutsinta sa village namin, natry ko na ung malaki ung maliit naman hehe. Kung hindi nyo natatanong eh favorite ko talaga kutsinta. Nas gusto ko na itong maliit kaysa sa malaki, mas malasa medyo matabang kasi ung bigger eh. Hindi rin sya sobrang tamis kaya di nakakaguilty. Isang balot swak na ito sa umaga tapos kain nalang kaunting mani hehe. Have a blessed Saturday po sa ating lahat!
Sardines with pechay! Budget meal muna ulam namin at kakatapos lang sa pork steak. Dito n muna tayo sa healthy na mura pa. Namiss ko din mag ulam ng ganito at masarp talaga. Kain na po tayo mga friends.