To those who don't understand Tagalog, you can translate it in English simply by clicking this icon located just below the lead image. Thanks.
Isusulat ko ito gamit ang wikang Filipino para mas mailahad ko nang maayos.
Pebrero 2005
Nalaman naming nagdadalang tao ang aking ina. Noong una, ayoko ko talaga masundan ako kase nasanay ako na ako ang baby nang tahanan. Dalawa lang kase kami, yung ate ko at ako, so parating nakukuha namin ang aming mga luho kase nasa maayos na trabaho ang aking ama.
Isa syang supervisor sa isang malaking Chinese Company noon kaya lumaki kaming spoiled nang ate ko.
So ito na nga, nalaman namin na buntis si mama. Syempre sobrang saya nila, ako naman itong si bidang bida, ayoko nang bunsong kapatid kase baka masapawan ako. Syempre bata pa, so parang ganun yung nasa utak ko.
Nalaman namin na magkakaroon ako nang lalaking kapatid, at sobrang ayaw ko talaga kase kung makakaroon man ako nang bunsong kapatid, gusto ko babae para maayosan ko naman.
Ika 1 nang Nobyembre 2005
Tumawag nang madaling araw si papa kay lola. Nag-aalala ang mukha nya pero di ko maintindihan kung bakit. Kami nalang palang tatlo sa bahay kase nagmamadali silang pumunta agad sa Hospital kase manganganak na si mama.
Isa ito sa di ko makakalimutan, kase muntikan nang mawala si mama sa amin.
Parating kinakausap ni mama nung nasa tiyan pa lamang yung bunso namin na sana lumabas sya sa kaarawan ni papa. At heto na nga, Nobyember 1, 2005, sa mismong kaarawan ni papa, manganganak sya.
Naalala ko na umiiyak si lola at hindi ko maintindihan kung bakit.
Ang sabi nya lang sa akin na, "Magdasal ka, mas naririnig nila ang mga hiling mo." Kaya sabay kaming nagdasal habang umiiyak si lola sa tabi ko.
Nalaman kong delikado pala ang sitwasyon ni mama. Ang sabi sa amin, sinabihan si mama nang doctor na e cesarean sya kase malaki ang ulo nang bunso namin. Ang package lang nang cesarean ay 50, 000 pesos noong panahon na iyon. At dahil ayaw ni mama na hihiwain yung tiyan nya, nag panick sya at pinilit nyang ilabas ang bunso namin nang walang pahintulot nang doctor.
Ang nangyari eh nung lumabas na ang bunso namin, hindi nag sarado ang mattress niya kaya nag resulta ito na naubuson sya nang dugo.
AB+ pa naman sya at dahil noong panahon na iyon hirap ang paghanap nang ganoong klaseng dugo, muntikan na kaming mawalan nang pag-asa.
Kinailangan nyang maabunohan nang 24 bags nang dugo at ni walang pwede sa amin mag donate nang dugo. Ang ginawa nang papa ko e, naghanap sya at sa kabutihang palad pinautang sya nang landlady nang 300k pesos. Nakabili sya nang 24 bags nang dugo at dahil walang masyadong kasabayan si mama, limang doctor yung nagtulungan para ma save buhay niya.
Na coma sya nang mahigit isang linggo. Nasa ICU lang sya, bawal namin syang makita so ang ginawa namin nang ate ko ay pumupunta kami sa nursery section para makita ang bunso namin.
Unang nakita ko bunso namin nawala lahat nang mga ayaw ko noon. Sobrang minahal ko sya at sobrang iba pala talaga ang pakiramdam pag naging ate kana.
Nabayaran namin sa hospital ay mahigit kalahating milyon, doon din nagsimulang nagkahirap hirap kami at hanggang ngayon di parin makaahon, pero sa awa nang Diyos nakakaraos naman kahit di na kagaya nang dati.
Mga Natutunan Ko
Na hindi mo alam kung kailan sila nandiyan sa buhay natin kaya pahalagahan at sabihin natin sa kanila na mahal natin sila.
Labing anim na taon na ang nakakalipas at sa awa nang Diyos, healthy silang dalawa nang mama ko at si bunso.
Pinangalanan namin syang Marvin kase yan ang pangalan nang ama namin at sabay din sila nang kaarawan.
Maraming nagbago after mangyari yun pero yung pinakamalaking pagbabago ay natuto ako sa buhay dahil dun. Kung sguro naging spoiled pa ako, di ko malalaman gaano kahirap ang buhay.
Yan lamang po at salamat.
Maraming Salamat sa pagbabasa!
Sobrang nakaka inspire naman pala ito. Mabuti at okay naman ang iyong mama at bunso.