Umagang Pag-asa

0 8

Magandang umaga syang sinabi ng aking ina, magandang umaga din sagot ko sa kanya. ganyan na lang palagi ang aking ginagawa sapagkat isang taon ng nakalipas na hanggang ngayoy wala pa akong trabaho kahit ako'y nakapagtapos ng kolehiyo at lisensyado...

Paggising sa umaga, mga gawaing naghihintay na noon pa'y talagang gawaing aking kinalakihan na... Simula sa paglilinis sa loob ng bahay mapasala,kwarto't kusina at pagwawalis ng dumi o d kaya mga dahon nagsisihulugan sa tapat ng puno sa labas ng bahay. Paghuhugas ng pinggan, kaldero at iba pa. kung minsan ako din ay naglalaba.

Pagdating ng tanghali ako na may nagluluto ng kanin, take note kanin lang kasi may tagaluto naman kami ng ulam yan ay ang ate ko. Pero minsan ako din naman nagluluto ng ulam. syemprw sunod niyan nood na ng tv,fb, kain, tulog tapos gising kain,fb tanging yan na lang ang ginagawa ko sa ngayon habang wala pa akong nahahanap na trabaho...

Wait hindi porket ganyang mga bagay ang aking salaysay eh hindi na ako naghahanap ng trabaho, mali po iniisip nyo.. Ako po ay naghahanap din ng trabaho, nag aapply through online habang may pandemic at GCQ .

Hindi po ako nawawalan ng PAG ASA na magkakatrabaho din ako at makatulong pinansyal sa bahay..

Kaya kayo wag kayong susuko LABAN LANG!!!!

1
$ 0.00

Comments