Pimples

0 5

Umalis na, nawala na lahat! kayo na lamang ang natira Gusto kong ako'y gumwapo o gumanda Ngunit sa lahat isa akong eksena ano ang dapat kong gawin? Sa tuwing titingin sa salamin, Nagkalat sa pisngi, gustong pitikin. Gusto mong mukha ko'y iyong sirain?

Lovelife ito ba ang dahilan? O requirements na pinagpupuyatan baka chocolates at pranuts na pinagtripan.

Sa katakawan kaya nagsulputan Araw at gabi ay siyang nagugunita Ang dami nila sadyang nakakaalarma ano bang meron ka? Mga pinapahaid ni ayaw tumabla.

Kayo ba ay nabiktima ng mga paasa naghigante at ibinaling ang pagtubo ng sa mukha Sa akin isinisi ang hinagpis ng nakaraan.

Kaya ngayon, ako ang nagparamdam Tigyawat kailan ka lilisan Nang kumpiyansa muling makamtan.

3
$ 0.00

Comments