Kwento ko, pero sino nga ba ako?

0 8

Sino nga ba ako? isang katanungan na bumubulong sa aking tenga at gumugulo sa aking isipan. Sa bawat pag ikot ng mundo isang simpleng tao na syang nilikha, isang binata na may katangiang matangkad, matangos ang ilong, kayumanggi't payat pero sa kabila nang yan sya din ay may simpleng pangarap, pangarap na magkaroon ng edukasyon na syang tulay o di kaya sandata tungo sa magandang buhay. Sa buhay hindi lang kasiyahan ating mararanasan kundi meron ding kabiguan or problemang ating haharapin gaya nitong simpleng taong ito naranasan ang mawalan ng pag asa dahil salat sa pera sa pagkain sa pang araw araw o di kaya mga bayarin sa mundo ng edukasyon at marami pang iba pero sa kabila ng yan sya'y hindi nagpatinag sa problemang kanyang kinahaharap napagtanto nya na hindi lang pera syang magdadala ng kasiyahan kundi tanging masaya kung anong meron ka, pagmamahal ng pamilya sa hirap at ginhawa at higit sa lahat magdasal at magpasalamat sa poong maykapal.

Pagkalipas ng ilang taon, nakamit nya ang simpleng pangarap na ngayoy nakapagtapos sya ng 4 years course at bonus nang kanyang maipasa ang board exam ng kanyang kursong natapos.

Libre lang po ang mangarap!!!

1
$ 0.00

Comments