Katuloy ng Huwag ka raw iibig sa Makata

0 2

Patuloy ng isinulat kong "Huwag ka raw Iibig sa isang Makata"

......Puno ng pag-unawa at walang kibong umalis ang binata subalit dali-dali itong umuwi upang maghanap ng mapagkkikitaan bilang tulong sa kanyang inang araw-araw ay kumakayod at para na rin pangdagdag sa kanyang allowance sa pagpasok. Naglalako ng balot o di naman kaya'y bumabale kay Aling Herma at binabayaran sa pamamagitan ng paggawa ng tinapay.

Sa ilang buwang pamamalagi ni Benjie sa paaralan ay maraming mga kapwa estudyante ang hangang-hanga dahil sa kanyang determinasyon nito sa buhay. Isang araw pinatawag siya ng kanyang propesor sa opisina nito upang ihatid ang isang napakahalagang balita sa kanya, marahan, nanginginig, nanlalamig at namumutla siya nang kaharap niya ang propesor, bahagyang inabot sa kanya ang isang papel at nang mabasa'y mangiyak-ngiyak at napayakap siya sa papel na iyon ang naging bunga ng kanyang pagsisikap at kapalit ng kanyang mga paghihirap....

(Itutuloy ulit ang susunod na edisyon)

1
$ 0.00

Comments