Sa bawat pagmulat ng aking mata, bumungad ang sinag ng araw, mga huni ng ibon na tila'y kumakanta at sinasabing bumangon na upang pagmasdan ang maganda at maaliwalas na tanawin, tanawing tahimik na may malinis at malamig na dampi ng hangin at mga tila'y sumasayaw na dahon ng puno. Yan laman ang tanging yaman o mga bagay bagay sa ating lugar na ating kinagisnan subalit sa ngayong henerasyon sa pagiging iresponsable at katigasan ng ulo ng mga tao lahat ng mga bagay na iyan ay biglang nagbago, dati mga ibong kumakanta ngayo'y silay kakaunti na lamang na mukhang silay nagtatago na sapagkat silay hinuhuli at ginagawang pulutan, na datiy malinis ang ihip ng hangin subalit ngayoy ito ay may halong polusyon sa patuloy na pagsunog ng plastic atbp , mga dahon ng puno na dati'y nagsasayawan subalit ngayoy unti unti nang nauubos dahil itoy unti ng nakakalbo sa responsableng pagputol ng mga kahoy. Kaya minsan sa mga nararanasan nating mga global warming, tag tuyot at tag ulan, polusyon, mga bagyo at marami pang iba ay kagagawan po natin, kung kayat tayoy maging responsable sa mga bagay bagay. Pag nagputol ka ng isang puno, magtanim ka nang sa ganoon itoy maykapalit, magtapon sa tamang basurahan para iwas baha.
Be responsible!!!