Huwag ka raw Iibig ng MAKATA

0 2

Ilang oras bago masilayan ang pagsikat ng bukang liwayway ng saktong tilaok ng tandang ang narinig ni benjie sa kanilang makipot at mamunting munting bubungan. Hindi na bago sa kanya ang pangyayari dahil ang tilaok ng tandang ang kaniyang nagiging hudyat na imulat ang dalawa niyang mga mata upang simulan na naman niyang banatin ang kaniyang katawan sa trabaho at lagpasan ang mga pagsubok na sa kanya'y ipinagkaloob .

Marahil tulog pa ang kaniyang ina at dalawang kapatid sa ganoong oras, siya'y masayang naghahanda ng almusal, sinangag na kanin at itlog ang madalas niyang inihahain sa kanilang hapag kainan. Kalimitan din siyang umuutang kay aling herna na may ari ng may maliit na panederya, bilang tulong narin at nagbibigay ito ng mga maiinit-init na pandesal at sinasamahan narin ito ng mantikilya bilang palaman.

Nasa ikaapat na taon na si benjie sa kolehiyo at isa sa mga iskolar dahil sa kaniyang husay sa pagsulat, masakit man sa kalooban ngunit sila'y ulila na sa ama, samantalang ang kanilang dakilang inang si aling Nora ay matatag na iginagapang ang pag-aaral ng kanyang tatlong mga anak at pilit na ipinagkakasya ang kinikita mula sa paglalabada. Kasalukuyang kumukuha si Benjie ng Programang Edukasyon, Alas otso ng umaga ang klase nito." Sige po Inay mauna na po ako", ang masiglang tinig ng binata na parang laging may tuwa sa mukha bakas ng ngiti sa kanyang mga labi at punong puno ng pag-asa." O sige mag-iingat ka anak pagbutihin mo ang iyong pag-aaral", bilin ni Aling Nora" Opo Inay".

Araw-araw ay binabaybay at tinatahak ni Benjie ang isang mabato at mausok na lungsod marating lamang ang paaralan, sa loob ng limang oras na klase, ay maaga rin itong umuuwi upang tulungan ang kaniyang Ina. Mataas pa ang araw ngunit pinalabas na sila ng kanilang guro sa isa nilang asignatura dahilt dito mababakas sa mukha ng bawat isa ang tuwa. "Dre" ang usal ni Marco kay Benjie. Kilala si Marco sa kampus dahil sa anak ng mayor" Halika sumama ka sa amin, resto tayo" aya ni Marco, " Eh sa susunod nalang kailangan kasi ako ng nanay ko eh,". Isang napakalakas na halakhak na halos nakamamatay ang narinig ni Benjie sa grupo ni Marco habang sinasabing" Ano ka ba Benjie, huwag mong sabihin na ang nanay mo pa ang nagpapaligo sayo". Palibhasa'y matiwasay ang pamumuhay at walang alam na trabaho. Sabay dukot at pindot sa mga selpon na mamahalin, iba talaga ang mga anak mayaman at laki sa layaw.

(itutuloy sa susunod na edisyon)

1
$ 0.00

Comments