Caramelized sugar sa kanin.

0 1

Magandang araw mga ka readers, andito na naman ako para magsulat ng artikulo na aking ibahagi ang karanasan ko nung ako bata or nag aaral pa....

Katagang "Caramelized sugar sa kanin" napakasosyal kung itoy tawagin sa ingles pero kung itoy tawagin sa tagalog "Tinunaw na asukal sa kanin or hinalong asukal sa kanin" ngunit saan ba nagsimula yang Melted sugar sa kanin?? way back 2006 pero bago yan ano nga bang estado ng pamilya na meron kami??

Ang pamilya namin ay simple ngunit kamiy mahirap lamang tanda ko pa nung akoy nag aaral ng elementarya pumapasok ako ng walang baon, unipormeng punit, minsan pumapasok na tumutunog at tiyan or gutom dahil walang makain sa bahay kaya one time akoy umuwi sa aming bahay galing sa paaralan dali daki akong nagtanong kung anong ulam namin at sagot ng aking ina pasensya wala tayong ulam dahil wala tayong pera, akoy sandaling nag nilay nilay at nag iisip kung ano gagawin ko at paano maibsan ang gutom ko? Noong akoy nagtimpla na lamang ng kape naisipan kong ihalo na lang ang asukal sa kanin habang pumapatak ang aking luha ng aking mata at sabihing masarap kaya ito kaya sa tuwing wala kaming ulam yan palaging naiisip kong pagkain kung wala namang asukal, itoy aking pinapalitan ng asin kaya salted rice hahahaha..

Lahat ng aking binanggit ay totoo at base sa karanasan ko na hindi ko kinakahiya....

Dahil sa kagustuhan kong makapagtapos ng pag aaral lahat ng yang bagay ay aking tiniis at ngayoy akoy nakapagtapos na ng pag aaral.

4 years grad at license pa, kaya payo ko sa mga nangangarap na gaya ko dati wag po tayong sumuko laban lang because

NOTHING IS IMPOSSIBLE ika nga

1
$ 0.00

Comments