Ang Pagtatapos.

1 6

"Ang pagtatapos" salitang napakasarap pakinggan ngunit di magawa ng ilan.

"Ikaw sa tingin mo makakapagtapos ka ba?

Ano nga ba ang tinatawag na pagtatapos?

Hindi ito maituturing na materyal na bagay na mabibili sa tindahan? Hindi rin ito naibibigay nino man dahil tayo lamang ang makapagbibigay nito sa ating katauhan.

Sa kabila ng lahat ng mga pagsisikap, pagpupunyagi, pagsasakripisyo at paghihirap ng apat na taon sa pag aaral. Sa araw ng pagtatapos, araw kung saan ipaparangal sa mga estudyante ang kanilang pinakahihintay na diploma.

Diplomang sumisimbolo at nagpapatunay na nagpagtagumpayan na nila ang pangalawang hamon sa kanilang buhay, ang pagtatapos sa sekondarya.

Maraming mga estudyante ang araw-araw na naglalakad makapasok lamang sa eskwela.

Simula kinder,grade one, hanggang sa matapos ang elementarya at hanggang sa kasalukuyan ay nagsusumikap at nagtitiyagang makatapos lamang ng pag-aaral.

Kailangang makapagtapos sa pag-aaral ang isang tao upang magkaroon ng permanente at magandang trabaho na magiging susi upang guminhawa ang buhay.

Sadyang kay hirap mag-aral dahil sa mga samu't saring pagsubok na dumaraan sa buhay.

Ang pag-aasawa ng maaga, pagkalulong sa mga masasamang bisyo, problemang pampinansyal at marami pang iba na nagiging napakalaking hadlang upang huminto sa pag- aaral.

Napapansin nating marami sa ating mga kababayan ang gumagawa ng mga di kanais- nais dulot ng kahirapan, hindi lingid sa ating kaalaman na karamihan sa kanila ay nakagagawa nito dahil sa lubhang kakapusan. Kakapusan na nagdudulot ng karahasan.

Kung makapagtapos sa pag-aaral ang lahat ng kabataan sa ating hinaharap magkakaroon ng maayos na mapagkakakitaan at tiyak na magkakaroon ng magandang pananaw sa buhay. Makakatulong ito upang maiwasan ang paglaganap ng krimen sa ating bansa.

Ngunit kung ating ipagwawalang bahala ang pag-aaral, uusbong ang kriminalidad sa ating bansa, marami ang walang trabaho at maghihirap ang marami sa atin at babagsak ang ekonomiya ng ating bansa.

Marami ring taon ang gugugulin sa pag-aaral, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa sekondarya na ngayoy anim taon na dahil sa programang K-12, apat na taon sa kolehiyo, kung ating bibilangin ay talagang napakatagal, ngunit sasayangin ba natin ang pagkakataong makapag aral kung bunga naman nito'y kaunlaran?

Marahil may kanya-kanya tayong dahilan kaya't iba-iba rin ang pananaw natin sa pag-aaral. Ngunit hindi na muli pang maibabalik ang mga oras at araw na lumipas at masasasayang kung ating isasantabi ang pag-aaral.

Lahat ng pagsakripisyo upang makarating sa paaralan nang payapa ay may katumbas na ginhawa at ang mga gawaing di kanais-nais dulot nito'y hinagpis.

Ang karunungan ay isang kayamanan na hindi maaaring nakawin sinuman..

1
$ 0.00

Comments