Seryoso Ako

0 6
Avatar for Preciousrubyloves
3 years ago

Marining mo sana

'yong "seryoso ako"

sa taong sawa na

sa panandalian

at mga laro.

Marining mo sana

'yong "mananatili ako"

sa taong

sawa nang mabigo

at kumilala ng bago.

Marinig mo sana

'yong "payapa ako sa 'yo"

sa taong

sawa na sa ingay

at kalabisan ng mundo.

Marining mo sana

'yong "mahal kita"

sa taong handa nang

maging tama

para sa 'yo.

1
$ 0.00
Avatar for Preciousrubyloves
3 years ago

Comments