Gigising sa umaga,
Maglalakad ng mag-isa,
Patungo sa karagatang lambat ang dala,
At sasakay sa bangka ng naka paa.
-
-
Pupunta sa malalim na karagatan,
Matustusan lang ang pangangailangan ,
Hinahatak ang madilim na daan,
Maibigay lang ang aming kagustuhan.
-
-
Lumang lambat, Lumang bangka,
Mga bagay na pag-aari ng aking ama,
Kitang-kita ang paghihirap sa kaniyang mga mata,
Ngunit siya'y nakangiti kapag kami'y nakikita.
-
-
Punit-punit na damit ang suot,
Kapag siya'y aking titigan sa puso ko ay may kirot,
Siya ang ipinagmamalaki kong kayamanan,
Mga sakripisyo ay hindi matutumbasan.
-
-
Sa bawat hugot nang kanyang lambat,
Sa bawat pawis na pumapatak,
Tinitiis ang bawat paghihirap,
Para sa mga anak na may pangarap.
-
-
Ang malawak na karagatan ang puhunan,
Di alintana ang pagod ng katawan,
Magampanan lang ang pagiging haligi nang tahanan,
Pagmamahal niyang kailanmay hindi mapapantayan.
-
-
Sakit at hirap ay hindi iniinda,
Mataguyod lang ang kanyang pamilya,
Ikaw ang haliging mahirap mapatumba,
Kaya mahal na mahal kita aking Ama.
-
-
Ako ang iyong anak na nag mamahal ng lubos,
Aking pasasalamat sayo ay ibubuhos,
Ako ang iyong anak nasaiyo magpapangiti,
At hindi mag aalinlangang sabihin,
" PAPA, NANDITO LANG AKO/KAMI SA IYONG TABI"
- poorita
0
22