Fighting Child Exploitation and Human Trafficking in Pinoyon

0 10
Avatar for Pinoyon
4 years ago

Linisin muna natin ang ating Lipunan para masugpo ang Krimen

Fighting Crimes to Change a Country is one of our goals but first, we must solve the root of it. In able to do that we should first Unite all of our kababayan in an All in One Pinoy Social Network, that is the essential idea of Pinoyon.

Sana ay wag po tayo gumawa ng kabalastugan at dinadalangin ko na ang lahat ay may takot sa Diyos sa ating community.

Tayo din ay dumaan sa pagkabata at may mga kapatid o magulang na babae at lalaki. Makunsyensya tayo sa mga bata na ginagawang parang baboy ng mga Pedo sa mundo. Maawa tayo sa kapwa natin tao na binebenta para lang pagkakitaan ng malakihan.

Ang pagka-panalo ng masasama ay ang maging bulag-bulagan ang mga mabubuting tao. Kaya tayo po ay magtulungan para sugpuin ang Child Exploitation at Human Trafficking sa mundo. Sa pamamagitan ng pagtulong sa ating community ay matutulungan natin ang ating bansang sugpuin ang Child Exploitation at Human Trafficking.

Kaya sana yung nasa ating pamahalaan ay dapat nang umaksyon. Wag maging corrupt para hindi mapilitan ang ating kababayan na ibenta ang mga anak nila na ginagawang prostitute sa mga banyaga. Para hindi mapilitang maging criminal o trafficker nalang sila dahil walang trabaho sa hirap ng buhay dahil hindi nakapagtapos. Sa sobrang corruption sa bansa ay hindi na nakapagtatakang dumami ang mga nagugutom na Pinoy. Lulan sa kahirapan ay nagiging kawatan nalang sila at ito ay bumabalik sa mamamayang Pilipino bilang isang karma galing sa root ng problema which is ang sobrang corruption sa loob ng bansa at gobyerno.

"Para sakin ay Karma is a wave of Ripple talaga bumabalik satin kapag ito'y inabuso."

Hanggat maari ay ireport niyo mga child pron at pang-aabuso sa kapwa para ito ay maaksyunan ng ating mga admins at moderator.

Maraming Salamat Po!

-Pinoyon Staff

1
$ 0.00

Comments