Maraming sintomas ang sakit na depression sa isang indibidwal. Kadalasan ang mga sintomas ay pisikal at sikolohikal sa damdamin ng mga taong meron neto. Kaya naman dapat natin alamin kung ano ano ito. Kung mayroon kang ilan sa mga sumusunod na sintomas na nakagagambala sa iyong pang-araw-araw na buhay (tulad ng trabaho, paggawa sa bahay o gawaing pang araw-araw at mga aktibidad sa lipunan) nang pinalawig na panahon, maaaring nagdudusa o maghirap ka sa depresyon na sakit na ito.
PISIKAL NA SINTOMAS
Pagkasakit ng ulo
Insomniao kahirapan matulog
Pakiramdam ng pangkalahatang panghihina o kawalang sigla
Pagduduwal o pagsusuka
Kakapusan ng hininga o nahihirapan sa paghinga
May problema sa pagtunaw o pagdumi.
Pagkapagod, pagkabagot at kakulangan ng enerhiya sa mga gawain.
Pagkakaroon ng maraming panaginip at maging dindi magandang panaginip at pakiramdam na hindi ka nakatulog sa buong magdamag.
Hindi maunawaan at maipaliwanag na mga pananakit sa katawan.
EMOSYUNAL NA SINTOMAS
Pagiging mayamutin o iritable agad agad.
Kinakabahan at ninenerbyos
Pagkakaroon ng mababang kasiglahan at kakulangan sa pagganyak at pagsasaya
Pagkawalan ng interes sa mga bagay lalong higit sa mga masisiglang gawain.
Mga paulit-ulit na pag-iisip ng mga hindi kasiya-siyang karanasan o nakaraan. Maging alalahanin sa mga bagay na natapos na o malulungkot na pangyayari sa buhay.
Pagkakaroon ng mga damdamin ng kawalang-halaga, mababang pagpapahalaga sa sarili at pagkakasala rin.
Nahihirapang makapokuso ituon ang isipan sa isang bagay o gawain
Pakiramdam ng kawalang pag-asa
Pagkakaroon ng mga saloobin ng kamatayan o pagpapakamatay.
Pangalagaan ang ating sarili at ang iba.
Makabubuti na matuloy agad natin ang problema at ito ay ating masolusyunan.
Sugpuin ang DEPRESSION!
Kaya dapat mas laging mapalit sa pananampalataya.hindi kasi maiwasan minsan iyong mga bigat na nararamdaman.iyong stress tlaga ang nagbibigay depression..tama kaya laging mag ingat at alagaan ang sarili...