Kahapon ako ay nagsulat ng artikulo tungkol sa akin at nakapag ani ito ng mahigit sa sampung views. Wala man akong nakuhang kumento pero akoy nagpapasalamat pa din at may nagtiyagang nagbasa ng aking pagpapakilala. Maraming salamat sa sampung nauna.
Ngayon naman aking isusulat ay tungkol sa aking opinyon sa mobile app na Tiktok.
Ang tiktok ay isang app na pwede ka gumawa ng videos at maaari kang umani ng madaming views. Ito ay kinaaadikan ng nakakarami sa aming bansa.
Bakit nga ba madaming nahilig sa ganitong app?
Sa tingin ko, dahil sa panahon ngayon ng pandemya, ito ay naging daan para maibsan ang kalungkutan ng nakakarami. Sa simpleng mga videos na nakakatawa at nakakamangha, ang mga tao ay napapangiti.
Subalit may mga video na masyqdong nagpapakita ng laman. Hindi sa ako ay tutol sa ganitong mga tema. Pero dapat isaalang alang din natin ang mga nanunuod.
Ngayong panahon ng modernisasyon, kadamihan sa mga bata ay marunong ng gumamit ng cellphone. Malako ang tsansya na mapanood ng mga bata ang mga hindi pwede sa kanila. At maaari silang maging mausisa. At makapagisip na gawin din ang ganung tema.
Kaya nananawagan ako sa mga magulang na bantayan lagi ang anak kapag gumagamit ng tiktok o anumang app sa telepono. Hindi natin alam na ang napapanood na pala ng ating mga anak ay hindi na naangkop sa kanila.
Yun lamang. Magandang umaga sa lahat!