Akoy Pinoy

1 26
Avatar for Pinooy
Written by
3 years ago

Magandang araw sa inyong lahat!

Base sa nabasa ko, walang lengwaheng pinipili ang site na ito kaya mas pinili ko isulat itong aking unang lathala sa wikang tagalog. Hindi dahil hindi ako marunong mag Ingles, kundi mas madali kong maipahayag ang aking saloobin.

Ako nga pala si Pando, dalawamput walong taong gulang. Ako ay nakatira sa Tondo, Manila, Pilipinas. Nagtratrabaho ako bilang isang technician.

Lima kami sa magkakapatid at ako ang panganay. Bilang panganay, mas pinili kong magtrabaho agad kahit hindi pa ako tapos sa aking kursong engineering dahil sa kakapusan sa buhay upang matustusan ang aming araw na pagkain at masuportahan ang pag aaral ng aking mga kapatid.

Ang aking ina ay sumasideline lang bilang labandera. Simula nung nagakaroon ng pandemya, nahinto ang aming hanap buhay. Buti nalang at may mga mababait akong kaibigan na nagbigay ng tulong samin ng panahong yun.

Sumali ako sa read.cash para kumita ng pera pandagdag sa aming pang araw araw na gastusin. Gusto ko naman pakainin ang aking pamilya ng manok kahit isang beses lang. Baka kasi nauumay na sila sa noodles at sardinas. 😅

Hanggang dito nalang muna. Magandang araw ulit sa inyong lahat

10
$ 0.00

Comments

Kababayan!

$ 0.00
3 years ago