read.cash Log in
@Paurie23 more from that month

Giving him free insulin Medicine! Eto na po mga kaingay un nabigyan ko ng insulin ni mama un post ko kaninang umaga. Deserve ni kuya ang gamot at ginawa lang ako ng instrumento ni God na ipamigay talaga un gamot ni mama. Alam nyo ba na si kuya e kakaputol lang ng kaniyang kaliwang paa dahil sa sakit niya na diabetes nag start lang daw un dahil sa napaso sya sa motor at hindi na gumaling kaya pinutol na ng doctor un paa nya hanggang tuhod. Ang galing talaga ni God gumawa ng way no kaingay kase na momoblema daw talaga si kuya sa pambili ng gamot nya. Sa 2nd photo ayan un message nya sakin Ang sabi nya ay "maraming salamat matagal ko nang magagamit un gamot na binigay mo sakin" Sagot ko naman sakaniya ay "Malaking tipid nadin po sainyo yan". Hindi man kame mayaman kung kaya ko talagang tumulong tutulong at tutulong ako sa mga deserving na tao na nangangailangan at un din ang sinasabi ko sa mga anak ko. Magandang gabi po sa inyong lahat!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.