Meet up! Papunta ako ngayon sa meet up namen ng mga watcher sa darating na election kanina may pumunta sa bahay upang mag tanong kung gusto ko daw ba mag watcher dahil 1st time ko lang sa ganito sabi ng kapatid ko e pumayag na daw ako kase malaki daw ang sahod sa ganito. Ngayon may orientation kame kaya lahat ng pinili maging watcher e nag aantay ngayon dito sa Mcdonalds. Sa mga nakapag watcher na before ano ginagawa ninyo? Wala kase ako idea dahil 1st time ko lang,
@Paurie23 in May 2022
Pancit bihon! After ng orientation namen as pollwatcher eto at may pa meryenda sila na pancit at pandesito. Ngayon ay nag aantay nalang kame ng service at allowance namen ito lang un mahirap un uwing uwi kana pero dika maka uwi dahil nakikisabay lang sa service kung pwede lang sana lakarin hanggang kanto nilakad ko na kaso ang layo ng kanto nila dito at nasa dead end pa un bahay na pinag meetingan namen. Kamusta po ang araw nyo? Nakapag family bonding ba kayo?
Sopas kayo dian! Namiss ko kumain ng sopas buti at may dumaan na nag tirinda ng almusal kaya ayan nakabili ako ng sopas mainit init pa. Tara na't mag almusal na tayo! Yung akala mo inilipat un holiday ngayon tapos pag kabasa mo ulit e binalik ng may 3, ang gulo din ng news kagabi. 2 weeks nanaman naka bakasyon ang mga bata nito happy happy nanaman sila at walang F2F at module class.
Spanish plum or mas kilala dito na Siniguelas Bigay ito ng aking pamangkin nakaka miss kumain nito sa bahay ni lola ko may tanim sya ganito bago pala mag karoon ng bungga ang siniguelas mag lalagas muna ito ng dahon un kala mo malalanta na siya pero after a month babalik ang mga dahon nito kasabay na ang mga bungga na napakarami.. Sigurado na mahal pa ang per kilo nito sa palengke kase di pa naka panahon ang pag bungga nila. Ang tagal ko na din di nakaka kain nito buti at…
BAG Gusto ko bumili ng bah kaso wala ako pambili. Nakita ko itong crochet basket na ginawa ko before kaya ito ngayon nilabhan ko at tatastasin ko gagawin ko sya sling bag soon ipapakita ko sa inyo un transformation na ginawa ko. Medyo masakit lang sya sa kamay kase tiny cord ang gamit ko. Maganda talaga pag marunong mag gantsilyo at may materials na gagamitin kase lahat pwede mo magawa. Hello sa mga kapwa crocheter ko dito! Tuhog lang ng tuhog!
Happy wife! Yung pag gising ko may ganito sa tabi ng electricfan namen. Un snickers talaga un nag pakilig sakin kase araw araw naman na may bininigay na pera sakin si hubby basta pag kauwi nya galing sa kaniyang trabaho bilang isang Panda Biker lagi niya nilalagay sa lamesa un sinahod nya. Bali yung Tip na nakukuha nya un lang ang pera na nakatabi sa bag nya. Magandang umaga po sa inyong lahat! Nakapag breakfast naba ang lahat?
Kain na tayo! Giniling na baboy na may itlog! Nagutom ako sa school habang nag babantay sa open and testing ng machine para sa darating na may 9 para sure na walang daya may sample voting din na ginawa nag tagal lang kame dahil sa manual voting. Buti at medyo malapit lang ang school dito samen at naka uwi kaagad Ano ulam nyo mga kaingay?
Choco float! Magpalamig muna tayo masyado mainit ang panahon, try ko lang itong choco float ni jollibee kung masarap sya. At ayun parang dark choco sya at masarap sya pag hinalo ang ice cream niya. Pero kung plain lang na iinumin mapait sya pwede sa mga on diet pero i less ice nalang. Next time try ko naman un ice coffee float niya kung masarap din sya.
Crunchy Buchi! Yung bigla akong nagutom buti at may nakalkal ako tinapay sa ref. Crunchy Buchi diko alam ano tawag dito mukha kase sya buchi dahil sa dami ng sesami seeds at kalasa din ng buchi un nga lang matigas sya. Ano po ba tawag dito? Ang sakit ng kamay at daliri ko sa cord na ito inulit ko un ginawa ko kase di ako nagagandahan sa outcome nya. Sana matapos ko na ito para magamit ko aa friday
Crochet fox beanie May nakita akong bata na may suot na fox bonet kaya naisipan ko gumawa. Gift ko ito sa baby ng pinsan ko dahil wala sya sinusuot na bonet pag nilalabas nya sa gabi kaya naisipan ko sya gawin tutal madami akong yarn at medyo nauumay ako dun sa bag na ginagawa ko. Sana magustuhan nya ito at ipasuot nya. Magandang umaga po sainyo lahat! Ingat po sa lahat ng papasok sa work
Milkfish in soycause and calamansi "bistek na Bangus" Hindi talaga ako kumakain ng isda lalu na pag may sabaw sya buti si mama ko ay tinostado ang ibang bangus kaya naka kain ako nito ang mga kids naman mas gusto talaga ang pa sabaw sabaw lang lalu na medyo maasim ang sabaw dahil sa calamansi. Tara na kumain na tayo!
Ice cream yarn!? Yung akala ko ice cream ang dala ng kapatid ko kaya pala si sya nag sasalita nung sinabi ko na penge ice cream. Pag bukas ko carbonara pala sya, hahaha nakipag birthday ang aking akapatid at may pa take out sakaniya mainit init pa nung binuksan ko kaya ayan may meryenda ako now sakto at wala mga bata sumama kina mama ko para kunin un kabinet at mga kaserola na bigay ni tita ko hindi man daw nagamit un mga kaserola kaya ibibigay nalang samen.
Sharing is Caring! Kagabi nag post ako sa isang Mommy group dito sa lugar namen para ibigay itong tirang Insulin ni mama ko ayaw nya na kase gamitin ito dahil malaki ang syringe na ginagamit namen dito nasasaktan na daw kase sya kase tatlong beses namen tinutusok ito sakaniya Buti at may naka basa sa post ko at malapit lang dito samen kaya mamaya ay kukunin na nila itong gamot masasayang lang kase kung di magagamit kaya ipamigay ko nalang malaking tulong ito sa kaniya lalu…
Finish na ang Diet! At dahil nag tinda ng halo halo ang aking pinsan kaya ayan suportahan natin sa pag bili ng kaniyang tinda sa sobrang init ng panahon sold ouy kaagad ang kaniyang tinda sa halagang 25php lang ang dami niyang sahog at di tinipid sa timpla dahil ang sarap ng pag kaka bukayo ng saging at kamote niya ito talaga ang nag papasarap sa halo halo un kunh papaano mo iluluto samahan ko na din ng tortilas at Cream O, O diba papaano ang diet nito wala nanaman nangyari…
Giving him free insulin Medicine! Eto na po mga kaingay un nabigyan ko ng insulin ni mama un post ko kaninang umaga. Deserve ni kuya ang gamot at ginawa lang ako ng instrumento ni God na ipamigay talaga un gamot ni mama. Alam nyo ba na si kuya e kakaputol lang ng kaniyang kaliwang paa dahil sa sakit niya na diabetes nag start lang daw un dahil sa napaso sya sa motor at hindi na gumaling kaya pinutol na ng doctor un paa nya hanggang tuhod. Ang galing talaga ni God gumawa ng…
My freehand crochet top to my princess! Naalalal nyo ba yung ginawa ko before habang nakikinig sa meeting e nag crochet ako. Ito na mga kaingay suot na ng anak ko Yung excited ako matapos ito kase alam ko gusto nya isuot. Kaso nung nasuot nya na ayaw nya daw kase litaw un likod at tiyan na. Natatawa ako sakaniya kase napaka conservative nya, imagine 5 years old palang anak ko pero ayaw na un mga pa sexy na damit diba un mga ibang bata napapasuot naman nila ng ganitong damit.…
Libreng sakay! From san fernando Pampanga to Dau Buti at sinabi ng kapatid ko na may libreng sakay ngayon at 2 months daw ito mag ooperate kaya ayan nag day off asawa ko sa work para makapasyal ng dau nakatipid kame ng 300php sa ameng pamasahe papunta at pauwi ng san fernando. Mga kaingay meron din bang libreng sakay dian sainyo? Kung meron man sainyo grab nyo na at pasyalan ang mga mahal sa buhay.
Guyabano juice! May nakita ako sa SM Clark kanina na may nag titinda ng guyabano juice and shake kaya ayan napabili tuloy ako. Diko na kase alam ano lasa ng guyabano. Ang sarap ng juice nya legit na guyabano talaga sya un nga lang medyo pricey. Nakakabitin ang 500ml na guyabano juice. Excited na tuloy ako lumaki un mga bungga ng guyabano ko. Kamusta po araw natin? Sobrang init ba sa lugar nyo?
Knock down! Mga anak ko na di sanay sa puyatan kaya pag 8pm na talaga inaantok na sila. Pauwi palang kame nito buti at di aircon ang aming sakay na bus bukod sa libre na ang sakay comfortable pa ang aming sakay. Maya ko nalang sila gigisingin pag malapit na kame. Kakain nalang kame nito sa fastfood para pag nasa bahay na e diretso ligo na at matutulog nalang. Naka pag dinner naba ang lahat?
Last night ayuda! Yung naka naka higa na kame ng biglang tumawag un pinsan ko. May pa ayuda daw un kapit bahay namen, bigay pala ito ng isang Politician na humahabol ng mayor sa lugar namen. Malaking bagay na din ito para samen un isang sako 5kilos un tapos un naka plastic isang kilo marinated na chicken at hotdog. May ulam na kame mamaya tapos may 15kilos na bigas na kame. O diba ilang araw na namen makakain itong binigay nila samen. Magandang Umaga po sainyong lahat!
Finally my first fruit banana is already ripe! Ito na un post ko lang week na tanim kong saging nahinog nadin sa wakas na natikman ko na kung ano lasa nya. Parang mix ang Saba at Latondan peeo masarap sya mga bata muntik ng maubos ang saging kase mayat maya ang pag kuha nila. Favorite kase nila ang saging kaya wala man 1hour ubos na sakanila ang isang piking na saging.
My home made pizza! At dahil naiinip ako sa bahay naisipan ko gumawa ng mini pizza. Bumili lang ako ng dough sa supermarket tapos mga iilan ingridients lang. Wala din po pala akong oven toaster na ginamit bali sa kawali lang ako nag luto. Buti at naging ok naman un ginawa ko naluto naman un hotdog at cheese Ano meryenda natin
Mabuhay ang mga Nanay! Kakagising ko lang dahil 4am na natapos ang aming chika with my cousins celebrating a mother's day with them last night. Sabi nga namen sa mga asawa namen na kame muna ang mag unwind kahit isang gabi lang na walang mga kids. Buti at supportive mga asawa namen kaya natuloy ang aming celebration. Grabe un kwentuhan namen parang di kame nag kikita kita lagi e nasa iisang compound lang naman kame. Kamusta po mga nanay? May ganap po ba kayo today?
Mother's day gift from our Barangay Captain! Ang bongga ng kapitan namen may pa bigas at sotanghon pa itinaon talaga sa mother's day para di halata na na ngangampanya pa din siya. Tumatakbo kase city councilor ang aming kapitan kaya ayan may pa ayuda sya. Tipid nanaman ito sa pag bili ng bigas mamaya may meryenda pa kame na pancit. Kakatapos ko lang mag laba nito at ako ay mag papahinga muna dahil na puyat ako kanina kasama mga pinsan ko.
Sipo egg na walang egg hotdog ang kapalit! Si mama talaga mahilig mag experiment ng ulam may tira kaseng evap milk dito tapos may hotdog na bigay kaya ayan bumili nalang ng gulay si mama ko at niluto nya na sipo egg na style pero parang sopas din sya masarap sya kahit wala itlog napadami ako ng kanin dito. Kamusta po araw nyo today may nag date o nag celebrate ba na mothers day sainyo? #food
This is it! Ready na ba ang lahat mga kaingay? Ang bilis ng araw isa ako sa nga watcher ng lugar namen 5:30am dito na kame sa school namen para ma check ang mga VCM machine kung wala pang laman ang mga machine. 5:30am palang nasa school na kame. Ang voting start ng 6am to 7pm. Sana maging safe lahat po tayo ngayon araw na ito. Pray po tayo na lahat ng dadalo at mga watcher sa buong bansa ay safe ang lahat.
Snacks! Expectation vs. Reality! Un expected ko na di tinipid ang palamam dahil nakalabas na un ham mag kabila Pero nung binuksan ko na un tinapay nasa mag kabilang side lang pala ang palaman tapos un cheese nya nasa gitna lang. Natawa talaga ako sa tinapay na ito Pero ok na din importante e nakakain parin ang tinapay at mag pasalamat nalang sa blessings na binigay! Kamusta kayo mga kaingay?
Snacks from my hubby! Swerte ko talaga kay hubby sya lang un di swerte sakin hahaha charot lang. alam nya kase na di ako makabili ng food dahil watcher ako today kaya ayan nag message sya sakin bilhan nya daw ako ng food kase tapos na un duty nya sa panda kaya pinag order nya ako hanggang namayang gabi pa kase ako dito. Un kala ko flavor shots dala nya Mcdo pala with fries pa. Ayaw nya talaga ako pumayat hahaha Tara kain tayo! Medyo nakaka pag relax ako dahil wala ng botante…
Time check: 9:50pm As this moment nasa school pa din lahat kame dahil nahihirapan mag transmit ang aming VCM machine dahil sobrang hina ng signal. Grabe sacrifices ng mga poll watcher at mga volunteers tuwing election period. Simula 5am until now dito padin kame buti at walang aberya na nangyari nito nalang gabi dahil mahina ang signal. Sana naman maging ok na un pag transmit para matapos na kame dito.
Corn soup and hotdog with peanut! Late lunch! inantay ko kase maka uwi si hubby nag apply sya ng work at sana may pumansin sa resume nya sa hospital. Mga kaingay ako lang ba nag uulam ng mani pag may sabaw. Nasanay kase ako sa asawa ko na everytime sabaw ang ulam namen dapat may mani din sya na kinakain. Masarap naman ulamin ang mani kaya ayun nasanay na din ako inuulam ito.
Orange Egg "one day old" Buti at may makita ako nag lalako ng one Day old egg kanina kaya ayan bumili ako ng dalawang balot tag 25php each lang sila at kame na ang mag luluto masarap din ulamin ito pero mas bet ko papakin nalang. Kayo ba inuulam nyo ba ito o pinapapak lang din? Naka kain naba ang lahat?
Coffee with calamay sa bohol! First time ko lang matikman itong calamay sa bohol napaka sticky niya pag kinukuha pero masarap sya perfect i partner sa black coffee. Grabe ilang araw na mabigat un katawan ko hanggang ngayon ramdam ko pa din un pagod nung monday. Ano kaya maganda gawin para sumigla ulit un katawan ko ang dami ko pang gawain sa bahay na dipa natatapos.
My twin niece with my princess! Ang sarap nilang pag masdan nag kakasundo sila sa panonood ng nursery rhymes. Pero madalas sila mag ka away lalu na un panganay lagi niyang tinutulak at pinapalo kapatid nya buti at hindi umiiyak uupo lang sya para hindi matumba. Itonh twins na ito ayaw na ayaw nila sakin makikita palang ako na papalapit sakanila takbo agad sila sa mama nila. Lagi ko kase sila inaasar kase ang sarap nila pang gigilan lalu na medyo malusog sila. Grabe init ng…
Kanina habang nasa labas ako ng bahay nakita ko itong Atis na nakabitin sa labas ng gate ng kapit bahay namen kaya tinignan ko munang mabuti kung hinog naba sya, At nung pinisil ko ayun medyo pahinog na kaya kinuha ko na at ilalagay ko muna sa bigasan para bukas pwede ng kainin. Ganian din ba kayo mag pa hinog ng mga prutas nilalagay nyo sa bigasan?
Ang anak kong pasaway! Grabe ang nerbyos ko kanina sa kania na out of balance kase sya sa hagdanan ang hilig kase nila tumambay ng mag pipinsan tapos tatalon pa sila. Nasa pang 4th steps sya nakaupo ng bigla daw sya nahulog ayun at nauna ang ulo kaya nagasgasan kaso ang pinaka panget lang e sumabay ang pag nose bleed nya, sa sobrang sensitive ng ilong nya lagi ganian nangyayari Ako naman takbo kaagad sakaniya at binubuhusan ko sya ng running water habang wala pa un yelo kaya…
Cook for tonight! At dahil masama ang pakiramdam ni mama ko kaya ako muna ang cook for today. Giniling na baboy na may tokwa lang ang alam ko iluto at madali kaya ito muna ulam namen ngayon. Pag nag luluto ako ang daming baso at bowl ang naka kalat kase sinusukat ko talaga ang dami ng toyo at calamansi tapos un mga sahog e isa isa nakalagay sa bowl kaya nga ayaw na ayaw akong pinag luluto ni mama kase daw makalat ako at di ako marunong mag tancha ng mga ilalagay na…
Camote chips! May nakita ako mga bata na nag lalako ng bananaque at camote chips kaya bumili ako sakanila 20php each sila sakto nag crave ako ng camote kaya ayan ang sarap ng pag kakaluto ng camote di nakaka umay ang tamis. Hangga din ako sa dalawang bata na nakikipag tinda lang, age nila ay 7 at 10 years old. Imbis na laro atupagin nila nag tatrabaho na sila para may pang tustos sa kanilang pag kain araw araw. #camote #snacks
Kamatis! Tips lang sa pag hugas ng kamatis bago hiwain or kainin! Bago kainin or hiwain ang kamatis hugasan mo muna ito sa luquid soap o kaya naman tubig na may asin, Alam nyo ba na ang kamatis ay pinapahiran ng liquid kerosene para hindi ito kaagad huminog kung papansinin nyo or try nyo amuyin ang kamatis maamoy nyo un kerosene dito. Dati kase nag business ni tita ko ang kamatis kaya alam ko na ganito ang ginagawa nila. Kaya simula nuon pag nag huhugas ako ng kamatis…
Hello po mga Mommies! Hotdog with ketchup. Para naman may buhay ang hotdog nilagyan ko nalang ng sibuyas at kamatis pinirito ko muna un sibuyas at hotdog tsaka ko nilagay ang ketchup at nilagyan ng konti tubig O diba hindi na dry ang aming ulam dahil may sabaw na ilalagay. At may bet din ng mga kids ang ganito sa hotdog. Wala ako nakikita nag post ng ganitong ulam kaya ayan share ko sainyo ang aming ulam for today. At ito lang dib kase alam ko iluto dahil hindi pa din ok si…
Skippy! Yung akala ko masarap sya kaya ang dami ko nilagay na palaman sa pandesal nung pag kagat ko medyo matabang sya hahahaha. Nasanay lang ako sa pinoy made na peanut butter na matamis ang lasa. Pero pwede na din pag tiyagain kase bigay lang naman ito samen pero di sya pwede gawin pang sahog sa kare kare. Na late ako ng gising kase kaninang 4am nagising ako sa lakas ng ulan kala ko mag tutuloy tuloy na un pala hindi man. Ngayon sobrang init nanaman ng panahon
Free ride with free wifi! Ang susyal ng bus na sinakyan namen papuntang mall bukod sa free na un pag sakay namen may pa free wifi pa. Nag try ako i connect un phone ko at ayun mabilis naman ang internet nya sayang lang at 10mins lang ang biyahe namen papunta sa mall. Sulit ang pag gamit nito sa malalayong lugar hindi sila maiinip sa biyahe. Finally fully vaccine na ang aking panganay ang bilis lang ng process dito sa Robinson's Pampanga hindi tulad sa hospital na sobrang…
Happy yarn!? kanina habang nasa labas kame kumukuha ng picture sa kalangitan dahil un kulay ng langit e parang sinaunang panahon, bigla nakita ng anak ko ang tito nya na nag lalakad kaya tumakbo sya sabaw sigaw upang salubungin ang tito nya makikita sa unang picture na patakbo sya,. At un 2nd photo un sabay na sila nag lalakad na pauwi makikita sa mga mata ng mag tito na ang saya nila nag lalakad. Mga mommies ganian din ba mga anak nyo pag pauwi na kayo un sasalubungin kayo…
Fresh Coconut oil! Binigyan ako ng lola ko kahapon ng Macapuno at dahil diko sya bet kainin kaya naisipan ko ilagay nalang sa hair ng anak ko at sakin din ginawa ko nalang treatment sa hair namen. Naalala ko nung bata ako ganito din ang ginagawa ni mama pag may sobrang niyog tapos nag karoon na ng oil. Sabi kase nila pampakapal at pampa shine ng hair, Manipis ang hair strand ng anak ko kaya sana effective sya. Nag shine naman un hair nya nung pinaliguan ko na sya nakalimutan…
Coconut meat with sugar coatee for dessert! Syempre pag katapos kumain ng lunch kain naman tayo ng minatamis. Bigay ito ni mama ko dahil bawal sya kumain ng sobrang tamis at di nya rin manguya bigay daw sakaniya ito ng tita ko, Kaya ako nalang ang uubos nito medyo nakaka umay nga sya kase masyado maasukal di sana tumaas sugar level ko hahahaha.
Cellphone battery Repair! At dahil isa ito sa pangunahing kailangan ni hubby sa work kaya lumobo ang kaniyang battery 10 hours kase siya naka open, almost 2 years na niya ito ginagamit kaya bumigay na sya. Medyo pricey nga lang ang pag repair ng kaniyang battery, pero ok lang kesa naman sa di na nya magamit mas mahal pa kung bibili ng bago. Buti at may naipon sya ng pera at ayan di na nya problema ang gastos. Kamusta po ang lugar nyo dito samen medyo makulimlim at sana…
Family bonding! After 2 months nakapag simba din at nakapasok pa sa church. Pag katapos namen pinagawa un cellphone ng asawa ko pumunta kame ng simbahan malapit lang naman kase sya at sakto kame sa oras dahil dipa nag start. Nakakamiss din mag simba dahil busy si hubby sa work nya at nung nag sisimba kame before sa labas lang talaga ng church. Kamusta po ang sunday nyo mga kaingay? Bukas pasukan nanaman po ng mga bata bukas sa school pero kame modular padin
Happy monday! Naalala nyo ba yun last time na post ko about dun sa crochet basket na ginawa kong bag? Ito na po un outcome nya medyo natagalan lang sa pag gawa dahil naka ilang ulit ako at medyo sumuko mga kamay ko dahil ang sakit sa kamay nung cord. Nakagawa ako ng sling bag ko na kasya ang cellphone, mga cards at coin purse. Un 2nd photo yun ang crochet basket na nakita ko naka kalat lang sa bahay kaya ang ginawa ko nilinis ko ko tinastas. O diba laking tipid ko no need na…
Recycling Paper! Yung teacher na kapit bahay namen binigyan kame ng mga notebook na iilang pages lang ang may laman sayang naman kase kung itatapon kaya ako at si mama ay isa isa namen tinatanggal un mga may sping at naka tahi para pag samahin lahat at magagamit namen ito, lalu na ako dahil modular mga anak ko ginagamit kong pang scratch paper ito dito ko sinisulat un mga ililipat sa notebook ng mga bata. O diba laking tipid ng ginawa namen..
uulan ba o ganian kalang?? Ang matagal ko ng inaantay! Sana ibuhos nya naman kahit ilang oras lang kung hindi naman ok lang basta un hangin na binibigay nya ay hindi panandalian lang. Grabe kase ang init dito sa San fernando Pampanga umuulan lang sa madaling araw pero pag umaga na wala ng ulan sobrang init na, Grabe na talaga ang climate change palala ng palala, pati din kase mga ibang tao lumalala na sa pag abuso kay mother earth. Sana man lang lahat ng pwede i recycle…
Overtime! Need mag overtime dahil need ko mag dagdag ng i pang display sa friday konti nalang daw un mga keychain na binebenta nila. Thankful talaga ako dahil kahit papaano may konting kita ako di man ganun kalaki pero ok na din kase pwede ng pang load sa monthly internet ko. Kanina nag post ako na makulimlim sa lugar namen ngayon lang umulan kaso mainit padin sa loob ng bahay di man na preskuhan ang pakiramdam hehehe. Kamusta po sa lugar nyo?
Budol finds! No more worries sa basang foam! Mga mommies share ko lang itong nabili ko sa shopee perfect sa mga kids natin na i practice sila na walang diaper tuwing gabi. Yung 2 kids ko kase may time sa gabi na napapa wiwi padin sila kaya ang ginagawa ko before ay nilalagyan padin sila ng diaper or minsan cloth diaper! For only 99php may washable changing mat na ako at napaka effective nga nito kase hindi sya tumatagos un wiwi sa higaan natin basta dapat aware tayo na…
Early lunch! May nabili ako 20php na laing good for 3 person na dahil matipid ang pag lagay ng ulam pag laing ang aming kinakain. Kase sobranh malasa sya at magata. Worth it ang 20php na binayad dahil hindi tinipid ang lasa, Sabi nung may ari ng carenderia ok lang daw na konti ang kita nya importante e may nabubusog sa kaniyang mga luto kahit mga bata sa halagang 20php lang may ulam at kanin na sila nabibili kaya ang ginagawa ko sakaniya nalang ako bumibili ng lutong ulam…
Tortang talong! May nag lalako na lola kanina na talong kaya bumili ako kawawa kase si lola ang init nag lalakad sya wala pa syang payong. tag 10php lang naman ang isang tali siguro nasa 5pcs din un isang tali. Kaya ayan pinaluto ko nalang ng tortang talong tapos mas gusto ko pa un toasted as in un sunog na un lasa hahahahah. Medyo presko ngayon dito sa pampanga dahil malakas ang hangin at pabugso bugso na ulan. Magandang gabi po! #eggplant #dinner
Diskarteng Pinoy! Araw araw ako dumadaan sa may bulaklak na ito kaya nakita ko kung papaano malanta at muling tutubo ang mga ito.. Ang galing ng idea ng kuya kung papaano hindi nawawala ang mga orange flower na yan Dahil pag nalalanta na un mga flower mahuhulog ang mga buto nito sa lupa ulit kaya pag nalanta na lahat ang mga bulaklak at mga dahon nito may panibagong halaman na ang naka abang o diba dina need ni kuya na mag tanim ulit kase kusa na ito tumutubo at unlimited…
My stawberry keychain! isa nanaman bagong design ang madagdagdagan sa aking mga display. Hirap mag isip ano ba ang mapapansin ng mga tao un mga BTS at squid game ko na keychain di na nila pinapansin. Try ko naman un mga prutas o kaya mga animals. Minadali ko na tapusin ito dahil aalis kame ng mga kids para sa kanilang 2nd dose vaccine. Magandang hapon po!
Turon with a twist! Mango and mulberry jam fillings. At dahil madaming hinog na apple manggo na bigay samen kaya si mama ay gumawa ng mango jam un mulberry jam ginawa nya din iyon. Sakto nag papaluto ako ng turon kanina kaya naisipan ni mama na lagyan ng mango jam Last time kase un mulberry ang nilagay nya at masarap ang lasa medyo nag blend ang asim at tamis. Ngayon un mangga naman ay matamis para kalang kumain na turon with langka. Mga anak ko nagustuhan nila ito kaya ubos…
Last night celebration! My lola turn 83 years old yesterday! Mapapa Sana all kanalang sa ka sweetan ni lolo ko kay lola ko kita naman sakanila,. Both si lola at lolo ay 83 years old na at still strong padin sila at take note may tindahan pa sila pero dito lang naman sa harap ng bahay para di sila naiinip, Napaka swerte pa din namen dahil nandiyan padin sila, sa mother side ko wala na sina grandparents ko. Kayo mga kaingay may mga lolo at lola padin ba kayo?
Fried tilapia and eggplant! Ito talaga masarap kainin pag maulan ang panahon dahil nakakagutom ang lamig ng panahon nakakadami tayo ng kanin. Walang diet diet sa malamig na panahon kaya sige lang sa pag kain. Samahan pa ng sawsawan ng ensaladang mangga. Wala lang sya bagoong. Tara kain na tayo!
Playing in the rain! Happy ang mga bagets dahil for how many months nakaligo din sila ng ulan. Alam nyo naman mga bata pag malakas ang ulan gusto nila maligo sa ulan. Kaya ayan pinag bigyan ko sila pero sandali lang sila naligo siguro wala man 30 mins ang pag babad nila sa ulan baka kase pag nag tagal e lagnatin sila ako naman ang maparusahan. Nakakamiss maging bata diba mga moms?
Macaroni soup! At syempre dahil maulan ang panahon perfect ang sopas para sa dinner. Para mainitan ng konti ang katawan. Matic na ata itong sopas satin mga pilipino na kapag maulan ito lagi ang niluluto o kaya naman lugaw at nga sinabawan na ulam. Nag request ako kay mama ng sopas para kase namiss ko kumain nito at un nga masarap kainin pag malamig o maulan ang panahon. Kayo mga kaingay anong pag kain nyo ngayon maulan? #dinner #soup #macaroni
Throwback picture! Happy friday mga kaingay! Wala ako latest photo kaya share ko nalang sainyo mga little bunny ko nakaka miss lang kase sila nung maliit pa sila, sobrang saya ko that time kase naalagaan sila ni mommy mocha. Ngayon malalaki na sila at si mommy mocha at daddy choco may iba na silang tirahan kamusta na kaya sila ngayon, buhay pa kaya sila? Siguro naman buhay pa sila at sigurado ako healthy sila kase un kumupkop sakanila ay breeder ng mga bunny. Kamusta kayo…
No fresh Milk? No Problem! Mga anak ko mahilig kumain ng cereals kasi simula nung nasira un aminh refrigirator ay dina ako nag stock at bumili ng fresh milk. Kaya ang ginagawa ko ay powdered milk nalang na lalagyan ng tubig o diba para nadin sila naka fresh milk at naka kain ng faborite nilang cereals. No worries na ang masira o mapanis na fresh milk dun na tayo sa powdered milk un nga lang hassle sa paglagay at paghalo nito. May gumagawa din ba nito sainyo mga mommies?…
Water melon ice cream! At dahil mainit nanaman ang panahon ayan at nag pabili mg ice cream mga anak ko buti nalang at tag 10php each lang yan. Bagong kulay ng joyice ice cream ang yellow color na pakwan. Same lang ng lasa nung color red. Tapos un pinaka seed nya at chocolate sya. Na try nyo naba itong ice cream ng joyice? Same lang ng price ni aice. #icecream #budgetfriendly #snacks
Picture ko daw sya! At dahil hindi sya sinama ng tita nya kanina kaya ayan sinama ko nalang si bunso na mag hatid ng items sa waltermart at naglaro kame sa funhouse, sabi nya sakin na picture ko daw sya ng mga nakuha namen sa claw machine na mga keychain toy at yung gummy burger, Grabe nagastos ko kanina sakaniya sa kakalaro kase namen pati ako nag enjoy kumuha ng mga stuff toy kaya napagastos ng bongga. Dibale madalang lang naman ito at bonding nadin namen dalawa ng aking…
My handmade keychain Baby octopus with strawberry keychain Nakaka enjoy gawin ang maliit na ito dahil ang bilis lang matapos lalu na un baby octopus sa 1 hour naka dalawa ako. Next naman na gagawin ko ay cupcake sling bag for kids. At sana pumatok ang mga ginagawa ko sa madlang people Sabi nga nila support local. Sobrang saya kaya namen mga local maker na ma appreciate nyo Ang mga gawa namen kahit maliit lang ang binili nyo samen nakaka boost na yun ng confident kase…
Mangga! Yung malaking puno ng mangga namen ay paasa lang pala hahaha. Kala ko nung una dahil nag palit sya ng dahon e kasunod nun ay marami bulaklak na ngayon pala hindi man. Tignan nyo un sa 2nd photo nag bigay lang sya ng isang bunga. 7 family kame nasa compound tapos iisa lang ang binigay pano pa namen pag hahatian ito hahahaha. Hindi sya gaanong halata pero medyo hinog na yan mamaya pag dina mainit susungkitin ko na sya baka maunahan pa ako ng mga ibon.
Expo Nuts! May dala dala nuts ang kapatid ko nung nakita ko na expo un brand hiningi ko nalang sakanya Namiss ko un expo nuts nung kabataan ko mas masarap at malasa sya ito un kauna unahang coated nuts ang natikman ko, sumunod na ang Nagaraya na may mga flavor. Sarap nginangata nito habang ako ay nag tutuhog. Maambon nanaman dito samen kala ko hindi na uulan.
The one and only! Ito na un nag iisang bungga ng aming mangga. Napitas ko na sya at para walang magagalit ako nalang ang kakain nito hahaha. Ang tamis nya! Masarap talaga pag un mangga nahinog sa puno iba un tamis nya na mas konting asim kesa sa nahinog na may kalburo. Sayang lang at nag iisa lang talaga sya. Nakakamiss un dating mangga namen na pag may kumalabog sa bubungan namen means may nahulog na hinog na mangga.
Hopia yema! Mga taga Pampanga lang ang nakaka alam nh mommamee's Bakeshop! Sya ang sikat dito na nag bebenta ng hopia yema talagang napaka sarap nito para sakin di ako nauumay sa lasa nya lalu na pag nakagat mo ma un may yema nya. Pinabili ko ito kina mama sakto un pinuntahan nila na mall ay may bazaar. Na late na pala ako ng gising, kanina kase 4:30am gising ako nag prepare ako ng breakfast ni hubby dahil maaga sya umalis para mag trabaho. Ako ay kakain muna bago mag lalaba.
Fried rice with butter and egg! Mga anak kong walang kasawaan sa fried rice with egg. Kahit ito araw araw nila kakainin di sila nag sasawa ang dami pa nila nakakain, Pag usual na kanin at ulam lang ang konti ng kinakain nila tapos puro sabawa o sarsa lang ang gusto nila. Ang hirap pakainin ng mga anak kong pihikan ano kaya pwede pakain sakanila.
Throwback picture! At dahil wala ako latest na picture kaya ito muna i share ko sainyo. Un asawa ko nag papasikat sa mga anak nya kung papaano paikutin ang trumpo sa kanyang kamay! Mga anak ko kase nag practice pano mag laro ng trumpo kaya ayan tinuturuan sila ng kanilang tatay at sabi ko din sa mga bata na huwag basta basta ihahahis ung trumpo dahil delikado ito at baka maka tama sila ng bata o tao. Mga kaingay na laro nyo din ba ito nung kabataan nyo?
Crochet Cupcake bag! Ang saya talaga sa feeling pag may natapos na isang project nag try muna ako ng isa dahil first time ko lang gagawa ng sling bag for kids kung palansinin nyo madalas mga keychaim ang aking ginagawa. Kala ko kase nung una mahirap sya gawin ngayon pala hindi naman sya. Kaya ayan naka isa na ako gagawa pa ako ng ibang kulay nito para pag may bazaar ulit kame e may madami ako i pang display. At habang wala pang bazaar try ko muna i post sa FB ko baka sakali…
Langat puso ng saging! Tipid ulam namen ngayon dahil un puso ng saging galing sa aming tanim na saging. Ginisa lang ni mama ito at nilagyan ng suka. Bumili nalang ako ng chicharon para sa mga bata. At orange juice naman kontra umay! Ano ulam nyo today?
Bokayong saging! Walang pambili ng meryenda buti nalang may binigay na saging ang aking lola ayan solve ang aking meryenda un nga lang nakakabitin kase now lang ulit ako naka kain nito kaya gusto ko sana marami ang aking kakainin. Makabili nga ng saging bukas at mag papaluto ako para di mabitin sa pag kain. O sya! ako ay aalis muna at may family bonding kame.
7 years ago vs now! 7 years ago kasali ang anak ko sa isang show dito sa local channel ang Opinyong Legal kung saan sinasadula ang mga pwede ikaso sa taong may maling nagawa. Kahapon nung nasa robinson pampanga kame nag celebrate sila ng 15years kaya naisipan ko kuhanan ng picture ang aking anak. .un 1st picture un sya nung nasa CLTV 36 studio tapos un 2nd picture ay un programa na sinasadula nila at un 3rd ay un latest picture ng aking anak. Magandang umaga po!
Parcel! Tawag ng tawag asawa ko kanina sabi nya may shopee daw ako e wala naman ako expected delivery sa shopee dahil wala naman ako inorder dun. Kaya dali dali ako lumabas ng bahay kala ko kase isa nanaman itong Scam. Nung pag tingin ko sa labaa naka Van sya at W Express nakita ko. Kaya ayun pag lapit ko kay kuya tanong ko kaagad na free sample ba yan. Oo daw sabi ni kuya. Ito na nga nung pag bukas mo may free Similac Milk powder ako 2 sachet sya at mga pa free sample nila…
Not for me! Kanina sinundo ako ng tita ko (not family related) na sumali sa tesda training na hair dresser. Nahihiya naman ako tumanggi kanina kase sinundo nya ako kaya ayun nakinig ako sa trainor kanina, nung nagbigay sya na 15mins break sabi ko sakaniya na hindi na ako tutuloy kase walang pumapasok sa utak ko dahil sa hindi ko hilig ang hair dresser at umuwi nalang ako. Sayang naman un ibang gusto mag aral gamitin nalang nila un slot ko. At isa pa wala ako pambili ng gamit…
A simple Celebration! Its our 8 year wedding anniversary last may 23, at kumain lang sa labas nakakatuwaang si hubby nung binati nya ako sabi nya since 2007 puro lokohan at gaguhan ang aming relationship pero unti now strong padin kame. 2007 naging mag Bf at Gf kame at nung 2014 kame nag pakasal na may isang anak. Kala ko nung una hindi na mag work relationship namen dahil napaka walang kwenta nya before nung isa palang anak namen puro emotional damage ginawa nya sakin, pero…
Tamad mag luto no problem! Sa halagang 60php may dalawang klase na ako ng ulam un Bicol express 40php lang yun kumain na asawa ko kaya konti nalang natira tapos un Laing naman 20php lang yan puro half order lang binili ko pero madami na ang laman good for 2 person na ito un laing dahil matipid sa ulam 4 person kame kakain nito mga kids naman may tira pa ulam kagabi na sabaw kaya yun nalang ang lunch nila. O diba tipid nanaman ako. Un laing every week ko inaabangan un sa…
Cactus Flower! Kanina napadaan ako sa bahay nung naging classmate ng anak ko, napahinto ako at napa kwento sa Nanay nya kase nakita ko ang mga cactus nya may bulaklak tapos iba iba pa ang kulay nito Nakaka mangha lang kase ang galing nya mag alaga ng mga cactus un binigay nya kase sakin last time once lang namulaklak ngayon hindi na, may mga cactus din ako na di namumulaklak pero di naman sila lumalaki. Papaano ba alagaan ang mga cactus bakit di nila type un kamay ko hahaha.…
My guyabano tree! Morning visit sa aking guyabano dahil excited ako na mahinog sila kaya araw araw ko siya pinupuntahan at kinakausap. First time ko lang kase mag karoon ng bungga kaya na eexcite ako. Nakuha ko pa mag search kung ilang months ba huminog ang bungga nya pero di pala sya legit kase almost 2 months na pero wala padin nahihinog sakanila ni isa. Meron nga may nasisira na kase nag may patch na black. Kelangan ko ba sila balutin o hayaan lang sila na naka expose?…
Share it load! Ilang months din bago ko naipon ang 100,000 points or 100php. Kala ko nung una dito kona sya mareceive dahil 3 days na wala pa. At kanina dumating na almost 3 and half days din bago sya dumating. Basta masipag at matyaga kalang talaga mag log in sa share it app may reward kang matatanggap, O diba naka tipid ako sa load ko 1 month load ko na din ito sa DITO sim.
Foot mask! Kamusta mga moms! Pagandahin ko muna un paa ko gamit ang foot mask na nabili sa shopee sa halagang 24php, para mawala ng konti ang mga deadskin at konti kalyo Wala ako pampa foot spa at di pa din ako nag papa foot spa sa salon kaya diko alam pano ang ginagawa nila. May DIY nalang ako tutal effective naman un nabili ko ilang araw lang e mag babakbak na ang aking paa at magiging smooth ng konti. Need naman natin mag paganda mga moms baka sabihin ng iba e…
Dancer yarn!? Kanina pag labas ko sa lumang bahay nakita ko ang aking anak na nakaharap sa salamin at sumasayaw sakto hawak ko ang cellphone ko kaya patago ko siya kinuhanan ng video. Pag kase nakita nya ako na tumitingin sakaniya nahihiya sya at titigil sa pag sayaw. Dahil hindi pwede ang video dito kaya screen shot ko nalang. Magandang umaga sainyo!
Vcut! Wala ako maisip na snacks kinuha ko nalang un Vcut ng kapatid ko hahaha. Masarap kumain ng vcut habang manonood ng raising Mamay. May nanonood ba nito sainyo? Ang galing umarte ni Ms. AiAi sa role nya diba? Naalala ko nung nahulog un alaga nila lolo ko nabagok ang ulo nya nung nasa hospital sya nuon ilang oras din ang nakalipas bago nagising at nung nagising sya un memory nya bumalik sa pagka teenager nya sabi ang hirap nya alagaan nuon kase pati pag poop at pag wiwi…
Kamusta mga kaingay! Nabusy ako simula kahapon kanina naman naging tubero ako inayos ko un gripo dahil maluwag na sya tapos nag linis ako ng PCB dahil di umaagos un tubig ngayon pala may naka harang na ipit ng damit. Share ko lang un first harvest ko na guyabano Hindi sya ganun katamis dahil sigurk naunahan ako ng insekto may part kase sya na maitim dapat pala binabalutan sila ng plastic para un fruit bug hindi dumapo ito kase un mga nakakasira sa mga prutas.
Late lunch! Pork steak ang niluto ni mama kaso napasobra naman sa asim ewan ko ba kung ilang kalamansi ang nilagay nya kada kagat ko sa baboy at patatas tumatagos ang asim nya kaya napadami tuloy ako ng kanin para mag balance un lasa ng ulam Last year pa ata nag luto si mama ng porksteak kaya ngayon nasobrahan na sa asim hahahah. O sya mag snacks na muna kayo ako ay mag huhugas muna ng pinak kainan namen.
Lasagna with bread! May pasalubong ang aking kapatid dahil 3rd anniversary ng hospital kung saan sya nag work kaya ayan ilang araw na silang free food ngayon ay may sobra daw sa food nila kaya may dalang 2 lasagna. Napaka creamy at malasa ang pag kaka bake ng lasgna tapos un bread ang dami palaman sa loob, sarap talaga mag work lalu na pag may celebration kase dami food na free at madami din sila pa free sa mga employees nila sana lahat ng work natin may pa free service sa…
Blessed Sunday everyone! Ang aga ko nagising kanina para lagyan ng mga plastic ang aking guyabano baka kase matulad nanaman sa nauna ko kinuha na may halong sira dahil sa mga fruit bug. Napaaga ang aking christmas tree hahahaha. Pag katapos ko lagyan ng mga plastic ang bungga ng guyabano nag sort naman ako ng mga maduming damit namen sakto nag pakita si haring araw kaya sasamantalahin ko na sya mamayang hapon nian ay uulan nanaman kaya habang maaga pa sisimulan ko na ang…
Natapos nadin ako mag laba at mag sampay kaya naman ako ay kakain na ng kanin na may milk powder at asukal, Dahil ayaw ko ang aming ulam kaya ito nalang kakainin ko. Kaya pala mahapdi mga daliri ko dahil puro sugat na pala sya parang nagasgas may detergent powder talagang hindi hiyang sa kamay ko madalas masugat lalu na si surf green pag iyon ang ginamit ko sigurado mag susugat mga daliri ko. Tapos lalu nasugat nung nilagyan ko ng zonrox ang mga maduduming damit ng mga anak…
Swimming time! At dahil mainit nanaman anv panahon kaya ayan un pinsan ko nilagyan nya ng tubig ang kanilang inflatable swimming pool at ang tatlo kong anak ay nako swimming. Habang umiinom ng alak ang aking tatay naka bantay sya sa mga apo niya kaya ako hinayaan ko nalang sila mag swimming tutal madalang ko lang sila pag bigyan. Mga pinsan kase nila ang gugulo pag nag sama sama sila sa swimming pool nag rerestling kaya madalas diko sila pinapayagan na makisama mag swimming,…
2 egg yolk in one big egg! Yung tinitinda ni lola ko na itlog ang lalaki at 2 un egg yolk nya. Worth it ang 10php na nabili ko kase malalaki na at solve na ang isang itlog sakin. Pag kase sunny side up un ulam namen ng asawa ko tag 2 pcs kame ngayon dina kailangan kase nga ang laki ng nabili ko, Ang galing ng pinag supplier ni lola kase lagi ganian un tinitinda nya kaya kaagad nauubos un sa iba tindahan kase 8php na un itlog pero maliit lang sya. Tara kain na tayo! Ano…
20php load for 1php only in shopee! Sa kakaload ko sa shopee tuwing sale naka ipon na ako ng almost 400php load nagamit ko na un iba para sa aking monthly DATA kaya 266 nalang natira un DITO sim ko din na loload ko sya gamit si shopee.. O kayo mga kaingay mag laan na ng panload gamit si shopee activate nyo lang un shopee pay nyo at mag cash in kahit 50php lang malaking tipid na ito satin.. Magandang Umaga po sa lahat at ingat ang lahat ng papasok sa work!
Her first hait cut in salon! Ayaw nya mag pa haircut kase pag mahaba na yung hair nya ibibigay nya daw sa mga bata na ay cancer kaso sobranh dry ng hair nya kaya sabi ko pagupit nalang muna sya at pag humaba na dun namen i dodobate un hair nya. Kaya ayan napapayag ko sya na gupitan na un hair nya at ang tagal din humaba, baka sakali ngayon pinagupit ko na un hair nya bumilis at kumapal ng konti. Bago kame pumunta ng salon kumain na muna kame para di sila mag pabili ng kung…
Homemade popcorn! Kanina nung nasa SM kame nakita ng bunsong anak ko ang kettle corn at nag papabili sya sabi ko sakaniya mahal un tinda sa mall kaya mag luluto nalang ako tutal may corn naman sa bahay kaya ito na request granted na. Pati mga pinsan nila nakakain na.. Un 80-100php sa mall pag nag luto ka sa bahay un 20php na nabili ko sobra sobra pa un sakanila, ilang beses ko pa un magagamit yun nga lang wala lang flavor iodize lang. #popcorn #snacks #happykids
Home made cake! Buti pa un Sister inlaw ko marunong mag bake kahit wala sya oven nakaka pagluto sya gamit ang kaldero malaki iba talaga ang maparaan. Kahapon umuwi si hubby sakanila at ito nga un pasalubong sakin ni SIL i rate ko daw un ginawa nya para alam nya kung pwede sya mag pa pre order para may side line sya. Masarap naman un chocolate hindi sya matamis kaso un tinapay nya medyo matigas nga lang kaya ayun sabi ko sakaniya mag practice pa sya para next time pa perfect…
Ayuda from school! May pa feeding nanaman ang school ng mga anak ko kaya ako ay nag bike papunta sa school nila para kunin ang mga ayuda nila. Sayang din kase ang mga ito kung di kukunin tutal mahilig naman sila sa tinapay un champorado ako lang din ang kakain nian. May mga honey-calamasi juice din sila kaso pinalamig kona mamaya alam nyo na kung ano snacks namen ng mga bata. Bumili nalang ako ng ulam namen na bicol express dun sa suki ko ang sarap kase ng pag kakaluto nya…
White corn! Nabudol nanaman ako nung naglalako ng mais dito samen ayan napabili tuloy ako. 50php un isang balot nasa 10pcs din ata sya. Sobrang tamis nya legit nga na kaka harvest lang nila un pinagkuluan ng mais si mama ginawa nyang tea. Healthy kase sa katawan at wala chemical kaya kada naglalaga ng mais si mama dinadagdagan nya ng tubig para may mainom sya, Kayo nga kaingay may mga nanay o grandparents ba kayo na umiinom ng pinag kuluan ng mais? #corn
Kiddie Champorado Rice-Monggo-Choco Alam ko naman na di kakainin ng mga anak ko itong kiddie champorado na galing sa school nila kaya sinubukan ko iluto ito kase ang akala ko parang oatmeal sya or kanin, nung binuhos ko na pure powder sya, nung naluto na para syang cerelac hahahaha. Para tuloy akong baby na kumakain tapos wala pa lasa nilagyan kona ng milk powder pero matabang padin sya kaya ang ending diko sya naubos, Binigay ko nalang sa mga alaga namen pusa buti at kinain…
Coffee! Yung gusto ko mag coffee pero wala na palang stock kaya ayan bumili ako sa tindahan un tag 1php lang tapos nilagyan ko nalang ng milk powder. Sa halagang 1php makakapag kape na ako meron din tag piso na asukal at coffee mate, mas mura ang ganito kesa sa mga 3 in 1 na coffee. Mga kaingay may nag titinda din ba na ganito kamura na kape sainyo? #coffee #breakfast