Nanalo ngunit natalo

0 27
Avatar for Pattatunay
3 years ago

Mayroon talagang pangyayari sa ating buhay na Hindi malilimutan.Maaring Ito ay negatibo at positibo.Ngunit ang iba ay hindi ito maalis sa kanilang isipan bunga para dalhin nila ito hanggang sa kanilang kamatayan.

Sponsors of Pattatunay
empty
empty
empty

Gusto Kong i kuwento sae inyong lahat ang kuwento ng pagsali ko sa isang palighasan.

Wala talaga akong interes na sumali dito ngunit ang isa Kong kaklase ay sumali.Una may naganap munang elimination round diko inaaasahan at ako ang nakakuha Ng pinakamataas na puntos.Ang mga tanong ay tungkol sa mga pangyayari sa kapaligitan at mga ibat ibang batas pangkapaligiran.

Sumali rinn ang laging nangunguna sa aming klase Kaya lahat kami ay nagulat ng huling banggitin ang aking pangalan na nakakuha ng pinakamataas na puntos.Hindi ko talaga itong lubos na inaaasahan dahil sumali lamang ako dito para sa katuwaan lamang akala ko ako nga may pinkamababang puntos.Kinagabihan ng araw na yun halos lahat ng kaklase ko ay binati ako sa aking pagkapanalo.

Sa sumunod na araw ang gurong tagapangasiwa sa palighasang iyon ay nagsimula na akong turuan at nagbigay Ng mga babasahin na Kung saan magkakaroon ako ng kaaalaman tungkol sa paksa.Una hindi ko lubos matanggap na ako talaga ang isasali sa paligsahan dahil hindi naman talaga ako sumasali sa mga ganito ngunit sa huli tinanggap ko na lamang ito.

Nagsimula na akong magbasa Ng mga babasahin araw araw ko itong binabasa upang maisaulo ko Ito at lubos na maintindihan.Bago ako umuwi sa amin tahanan nagtatanong muna ang gurong tagapangasiwa Kung ano nga ba ang natutunan ko sa binasa ko at nagtanong Siya ng mga ilang tanong.

Tumagal ng isang linggo ang aking pagsasanay.Marami akong natutunan na hindi kopa napaparinggan kailanman.

Dumating na ang araw na aking pinakahihintay.Ang araw Kung ano ngaba ang ang mga natutunan sa isang linggo.

Dahil SA ibang beses ko lamang sumali sa ganito ang tibok ng aking puso ay tili hindi normal.

Nagsimula na ang programa ngunit may nauna pang nagtanghal kayat kami ay nahuli at inabot ng tanghalian.Sila ay mamigay ng libreng pagkain upang hindi kami magutom habang naghihintay.

Nagsimula na ang paligsahan at ako ay kinakabahan.Binigkas na ang unang tanong ang aking utak tila lumulutang.May 20 sigundo kami para magdesissyon Kung ano ang aming isasagot.Sa simula ako ay nagkakamali.Mayroong tatlong antas "easy,medium,hard".Sa easy round ang bawat tamang sagot ay isang puntos sa antas na iyon ang mga tanong ay Hindi ko alam ang kinalabasan halos lahat ng katanungan ay mali ang aking sagot.Ngunit sa pangalawang antas limang tanong ang aking tama na ang puntos ng bawat tamang sagot ay dalawa.Sa pangatlong antas hard round ang bawat tamang sagot ay limang puntos.Halos lahat Ng tanong ay pamilyar sa aking pandinig ang kinalabasan halos lahat ay tama ang aking mga kasagutan.

At natapos na ang paligsahan tinitignan na ang resulta ako ay lubos na kinakabahan.Sinabi na ang aming mga puntos at sa tingin ko ako ang nakakuha ng pinakamalaking puntos.Sobrang saya ko ng malaman ko na ako ang nanalo dahil unang beses Kong manalo at sumali sa palighasang ganito dahil Sabi Ng karamihan ang unahan ay hindi nababalot ng kasiyahan kundi kalungkutan.Ang gurong aking kasama at ang aking nanay ay lubos ang ngiti sa aking pagkapanalo sa paligsahan.

Pagkatapos ng inilabas na resulta may isang gurong pumunta sa harapan upang magreklamo para sa isang katanungan.

Nagtaka ako kung bakit siya pumunta sa harapan yun pala ay para magreklamo sa isang katanungan.Akoy kinakabahan baka mamaya ang aking tama at maging mali.

Nagsalita ang tagapangasiwa Ng paligsahan at nagdesissyon na ibahan ang isang katanungan.Akala ko talaga tapus na ngunit hindi pa pala.Umabot ng ilang minuto bago Nila ilabas ang katanungan.Habang binabasa ang tanong akoy kinakabahan ang utak ko ay namimili sa dalawang pagpiliian.Pinili ko ang letrang B ngunit ang tamang sagot ay letrang A akoy napatulala sa resulta ang nangunguna ay naging panglima.

Tama nga ang sabi ng iba ang unahan ay hindi tungkol sa kasiyahan kundi tungkol sa kalungkutan.Akoy Di makapaniwala sa iisang tanong akoy naging panglima.Tinanong ko sa aking sarili "Bakit iyon ang iyong pinili".Gusto Kong umiyak ngunit maraming tao sa aking likuran pinigilan ko na lamang ang pag patak ng aking luha at patuloy na nanood sa mga susunod na pangyayari.

Akala ko ako na ang maguuwi ng tropeyo para sa aking paaralan at sa aking pamilya.

Ngunit ang aking magustuhan ay hanggang akala lamang at Hindi natupad sa araw na iyon.

Ngunit hindi ko dinamdam ang pagkatalo kong iyon kundi ginamit kong inspirasyon para sa susunod kong pagsali sa mga paligsahan.

Kahit gaano man kasakit ang ating nasubukan huwag tayong susuko at patuloy lang lumaban.

Maraming salamat sa pagbasa ng aking kuwento.

Magkita Kita muli tayo sa susunod na artikulo♥️

3
$ 0.10
$ 0.10 from @Eunoia
Sponsors of Pattatunay
empty
empty
empty
Avatar for Pattatunay
3 years ago

Comments