When I was young I dreamed of a crime.
Aaminin ko masama ang loob ko SA aking ama noong araw na iyon.Nang matapos Kaming kumain ng hapunan .Kami na ay dumeretso sa aming tulugan.Mahimbing ang tulog ko nang araw na iyon.Sa sobrang himbing nanaginip ako ng isang masamang panaginip na hindi ko malilimutan.
Isang buong pamilya sabay sabay kumain SA hapagkainan.Sila ay tahimik na kumakain wala man sa kanila ang nagsasalita.Biglang nagutos ang ama ngunit tumanggi ang anak na gawin ang kanyang utos.Nagalit ang ama.Bigla itong pumunta sa lalagyan ng mga plato,kutsara at iba pang gamit sa pagkain.Bigla siyang kumuha ng isang kutsilyo.Kinuha niya ang kamay ng kanyang anak at pinadapa niya Ito sa kanilang lababo.Sinaksak niya Ito sa likuran.Samantalang ang ina ay hindi mapigilan ang pag iyak.Nang masaksak niya ang anak patuloy silang kumain.Ang kanyang bunsong anak at asawa ay hindi mapigilang umiyak.Hindi na sinubukan pang itakbo sa ospital ang kanyang anak sa takot na baka siya rin ay saksakin ng kanyang mister.Wala silang nagawa pang iba ng kanyang bunsong anak kundi umiiyak nalamang at magpatuloy sa pagkain.
Bigla akong nagising sa aking higaan.Kinabahan ako na baka mangyari Ito.Ilang araw itong laman Ng aking isip hindi ko malimutan.