Walang sukuan

0 11
Avatar for Patricia15
3 years ago

Akala ko sa bawat araw na nagdadaan puro saya lamang ang kailangan upang mabuhay at patuloy na bumangon ngunit nagkamali ako dahil sa bawat tahak ng iyong buhay ay iba ibang emosyon ang kailangan dahil may mga bagay na kailangang ilabas ang mga saloobin na ninanais naten. Hindi naten kailangan kimkimin ang bawat emosyon na dumadaloy sa atin dahil mas mahirap ito. Maraming nalulungkot o nagdudusa ngayon dahil sa pandemya na nangyayare sa atin ngunit kagaya nga ng aking kataga "WALANG SUKUAN" dahil mas mabuting lumaban kesa walang ginagawa. Kailangan ang bawat kilos na naaayon sa batas at pangangailangan ng tao. Hindi ang pandemya ang makakapagsuko sa atin bagkus ito ang dahilan upang lumaban hindi para sa sarili ngunit para sa mga nagmamahal at sumusuporta sa atin.

1
$ 0.00

Comments