Patuloy ang buhay

0 22
Avatar for Patricia15
4 years ago

Sa bawat araw na nagdaan hindi alam ang gagawin lalo na ngayong may pandemya na bumabalot sa ating lipunan, May ibang nagsasamantala ng mga kapwa at karamihan naman ay tumutulong sa bawat kapwa. Nakakapagod na araw-araw may bumabalot na dilim sa bawat kapaligiran at takot sa ating mga damdamin na tila ba'y walang katapusan. Nakakalungkot isipin na sa bawat sandaling nagdadaan ay dapat pahalagahan ang buhay dahil hindi naten alam kung kailan tayo kukunin ng ating Panginoon. Hirap man ang buhay naten sa bawat araw na nagdaan ay kailangan pa din nating ipagpatuloy ang ating buhay hindi lamang para sa ating sarili ngunit para sa mga taong nagmamalasakit,nagbibigay inspirasyon at sa mga taong walang sawang nagmamahal sa atin. Kaya kailangan nating maging maingat sa bawat hakbang na ating gagawin lalo na ngayong may pandemya dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa ating lupang tinatapakan.

1
$ 0.00

Comments