Mapanghusgang Lipunan

0 285

Uploaded by: Alone T, 20 Oct 2019

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ganyan ang aking titulo sa kadahilanang ang ating mundo o bansa ay nagiging mapanghusga hindi lamang sa kulay ng balat,kasuotan,pananalita,estado ng buhay,kasarian at kung ano ano pa. Lahat tayo'y nakakaranas ng di magandang pagtrato lalo na sa ating mga kababayan o kalahi nakakasakit ang bawat salitang binibitawan na hindi naman dapat. Maraming nagpapakamatay dahil lamang sa mapanghusgang lipunan na animo'y kilala ang iyong buong pagkatao pero di lingid sa kanilang kaalaman na ang panghuhusga ay siyang nagiging sanhi ng problema sa ating isipin. Hindi iniisip ang bawat epektong lumalabas sa kanilang mga bibig na mapanghusga. Ginawa ang bibig upang magbigay ng opinyon,pahayag,pagkekwento o ano pa man pero dahil sa ating bibig ito'y nagiging sanhi nang pagiging mapanghusga. Sana'y maunawaan ng bawat isa na ang panghuhusga ang syang papatay sa isang tao na walang ginawa kundi ang mabuhay ng mapayapa ngunit sa isang iglap ay binawian ng buhay dahil lamang sa mga mapanghusgang lipunan.

Nais kong ipabatid na ang bawat isa ay magtulungan upang pagaanin ang saloobin ng tao o higit pang nangangailangan ng tulong hindi para manghusga at maging udyok ng kamatayan. Alam naten na ang bawat isa ay may itinatagong saloobin,lungkot at galit ngunit huwag nateng hayaan na isa ito sa makakalaban nila sa buhay. Higit lamaang ang Diyos ang siyang kukuha ng buhay.

Nawa'y may maunawaan kayo sa aking ibinahagi.

1
$ 0.00

Comments