Online Graduation

0 13
Avatar for Pandesal
4 years ago

Heto na! Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Lalo na ng Aking panganay na anak. Ang makapagtapos ng pag-aaralan sa Elementarya. Simula nang ipatupad ni Pres. Rodrigo Duterte ang Enhance Community Quarantine or ECQ. Laging tanong ng aking anak kung kailan ba daw siya makakapasok sa eskwelahan at sobrang namimiss na niya ang kanyang mga ka-eskwela. Laging sagot ko lamang ay "Hindi na muna. Dahil mas gugustohin ko kayong Hindi makapag-aral ng isang taon kaysa tamaan kayo ng nakamamatay na CoVid19." Kaya lagi niyang itinatanong sa akin. "Kailan naman kami ga-graduate mommy?" At heto na nga ang pinakahihintay ng lahat. At sya ay punong puno ng kagalakan na masisilayan niyang muli ang kanyang mga mahal na kaklase at guro. Sa ika-27 ng Hunyo, 2020 ay magaganap ang kanyang pagtatapos. Na gaganapin sa aming tahanan, gamit ang laptop nang kanyang Tita, sa kadahilanang magtatapos siya online. Nakakalungkot isipin pero heto na ang pinakamagandang paraan para makapag tapos at Hindi mahawaan ng sakit ang aking anak. Salamat sa mga guro at pilit silang gumagawa mg magandang paraan para sa mga mag-aaral.

1
$ 0.00

Comments