* RECYCLED PENCIL HOLDER * Eto nga pala yung gawa ng anak ko na recycled pencil holder. Activity nila ito sa school kahapon. Favorite nya si Spiderman kaya ayan ang design. Tinulungan lang sya maggupit dahil baka masugatan kung hahayaan sya mag isa. Hindi man perpekto pero nakakamangha at nakakatuwa padin. Malaking bagay na makita ang anak mo na marunong sa arts. Iba padin kasi tlaga kapag ang bata ay nasanay sa mga ganitong gawain. Sa panahon ngayon mas dapat sila iiwas sa mga gadgets at pag online. Ang dami na kasing mga online post na puro kalokohan at yung iba pa nga ay kabastusan. Kahit ang mga bagong cartoons ngayon minsan may mga di magagandang salita na nakapaloob. Kaya dpat bantayan maigi ang bata.
No comments yet