Sa anong gawaing bahay ka pinakanahihirapan o ayaw mong gawin? Ako siguro sa paghuhugas ng plato at pamamalantsa ng damit. Haha! Ayoko naghuhugas ng plato kasi ang tagal. Tapos may pagkakasunod sunod pa. Mas lalong ayoko kapag mga kaldero at kawali na. Sobrang mamantika kasi at masebo. Ang hirap din tanggalin ng mga nanikit sa mga kaldero. Ayoko maghugas ng plato kasi kapag di natanggal yung amoy ng kinain, paulit ulit ko hinuhugasan. Lalo kapag mga plastic na gamit sa pangkain ang hinugasan eh. Haha Tapos sa pamamalantsa naman feeling ko diko napapalantsa ng maayos. Konting gusot, hahaguran ko ulit ng plantsa. Kaya ang tagal bago matapos. Feeling ko sobrang laki na ng kuryente bago ko matapos ang mga plantsahin. Hahaha 🤣
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Mag general cleaning hahaha
I have no choice, but I am not fan of folding laundry.