Nung bata pa ako, mahilig ako kumain ng mga matatamis na snacks. Eto yung mga favorite ko noon. Haha! Pero ngayon kasi hindi na masyado. Though gusto ko padin sila. Siguro nga, talagang nagbabago na ang panlasa ng tao habang nagkaka-edad. Kasi yung mga pagkain naman na hindi ko masyado type nung bata ako, ayun naman yung hinahanap hanap ko ngayon. Haha! So ayun nga, mga highschool days or early college days yata ito. Isa sa fave ko yung Mochi ng Regent. Ang sarap nito lalo yung Red Bean. Parang legit na legit mochi ang dating. Haha! Syempre halos lahat naman favorite ang M&M’s. Pero ako ung M&M’s na yellow lang. Yung may peanut sa loob. Hindi ako masyado kumakain ng chocolate unless may peanut. At syempre ang Koala’s March. Gusto ko kasi syang binebreak sa dalawa. Haha! Hindi ko sya nginuguya. Kailangan hatiin ko muna sa gitna bago ko kain. Weird eating habits! Hahah! Hindi ko naman masyado namimiss kumain ng matamis. Pero kapag nakikita ko, napapaisip ako kung mahilig ba ako dun kasi nga dna ako nagkakakain ng matamis ngayon. Haha! Sharelangs!
No comments yet