read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Anong nararamdaman nyo kapag hawak nyo ang kamay ng taong mahal nyo? Ako? Masarap sa pakiramdam. Feeling ko safe at secured ako. Pati na, feeling ko hindi ako nag-iisa sa mundong ito. Lagi akong may kasama anuman ang harapin ko. Nakakagaan ng pakiramdam kapag hawak mo yung kamay ng taong mahal mo. Alam mo kasi na may susuporta at aalalay sayo. At may taong hindi ka basta basta pababayaan o iiwanan. Isa pa, kapag kasi kaholding hands mo yung kamay ng taong mahal mo, alam mong hindi ka nya kinakahiya at proud sya sayo. Kaya para sakin, malaking bagay talaga ang holding hands. ❤️

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.