Pag Ibig Nga Naman (Tagalog)

0 35
Avatar for PJ24
Written by
3 years ago
Topics: Love, Short Story

May mga oras ako na napapaisip at nagmuni muni, posible kayang magmahal ka ng hinde mo pinapakita ang iyong totoong nararamdaman sa iyong minamahal? Yung minsan tamang tingin at sulyap ka lang sa malayo at hanggang tingin mo lang pwedeng mapakita iyong pagmamahal mo? Mayroon ganoon at siya ay isa sa aking mga kaibigan, siya ay nagngangalang “Jass” siya ay may gusto sa aming kachurchmate na nagngangalang namang “Diana”.

Sisimulan natin ang kwento ni Jass at paano niya minahal si Diana. Sa aming magkakaibigan si Jass ay isa sa mga pinakamadaldal lalo pagdating sa babae, pag mayroong mga kachurchmate na babae na lumalapit samin si Jass ay madaldal at aktibong aktibo at isa sa mga babaeng lumapit samin at nakikipagkwentuhan ay si Diana. Maganda at matipuno si Diana, unang kita palang ni Jass ay naging crush niya ito pero mayroong problema, parang hinde nag eexist si Jass sa paningin ni Diana. Sa tuwing nagkakaroon ng kwentuhan aktibong aktibo si Jass sa amin pero tila hinde talaga siya mapansin ni Diana.

Dati ay kasabay sabay naming umuwi si Jass, ngayon ay lagi nyang hinihintay si Diana tuwing Linggo at parang wala siyang kapaguran na magsalita at lagi nyang kinukwento kung gaano niya kagusto si Diana samin. Para kay Jass natagpuan niya na ang babae para sa kanya. Masaya siya na kahit hinde siya kinakausap ng dalaga ay gumagawa parin siya ng paraan para mapansin nito, mangitian lang siya naku masaya na si Jass at langit ang feeling nito sa kanya. Walang oras at minuto na pag kame ay magkakasama si Diana lang ang kanyang bukambibig, nakuha niya na nga ang pag uugali at mga bagay na ayaw ng dalaga, andami niyang nalaman na para siyang si Detective Conan at di siya tumitigil hanggat maging okay sila ni Diana.

Hinde ba napapagod si Jass sa ginagawa niya? Marami pa naman ibang babae sa paligid? May itsura si Jass at lapitin ng mga babae dahil sa galing sa instrumento, magaling din sumayaw, at marami pa siyang ibang talento pero nahumaling siya sa isang babae, ayaw din naman naming siyang pigilan sa ginagawa niya kaya sinusuportahan lang naming siya.

Pero may isang pangyayari na hinde naming inaasahan lahat, kakatapos palang ng aming simba at dating gawi ni Jass ay hinihintay niya ang dalaga ngunit paglabas namin ay mayroong lalaki na naghihintay sa dalaga sa labas ng aming simbahan. Kitang kita namin ang ngiti ng dalaga at masayang masayang makita ang lalaki at dun namin nakita ang aming kaibigan na gumuho ang mundo, mula sa malayo nakita namin na agad umalis si Jass sa simbahan na nakayuko lang hanggang makalayo.

Mula noon ang dating madaldal at masiglang si Jass ay naging tahimik at mapag isa, lagi siyang umuuwing mag isa na para bang binagsakan ng langit at lupa. Madalas naming makita sa mga post at myday ni Jass ang pagiging sawi at heartbroken. Sa kwento ng aking kaibigan sa tingin ko hinde siya mahihirapan mag move on dahil hinde naman naging sila in the first place kaya madaling makakabangon siya sa kanyang pagkabigo.

Sa ngayon malayo pa rin sa amin ang aming kaibigan pero alam naming na sooner or later ay babalik din ito sa amin. Kung katulad ka rin ng aming kaibigan eto lang masasabi ko sayo, di habang buhay nandyan ka sa kalagayan na yan, masakit oo pero panahon na para buksan mo naman ang puso para sa iba, hinde lang nag iisa ang babae sa mundo kaya bangon na at kailangan mo ding muling sumaya. Nawa nagustuhan nyo ang aking ginawang kwento hango sa totoong pangyayari. Salamat sa iyong oras at pagbabasa.

 

3
$ 0.02
$ 0.01 from @Alexis12
$ 0.01 from @charmingcherry08
Avatar for PJ24
Written by
3 years ago
Topics: Love, Short Story

Comments